Chapter 20

910 35 11
                                    

Ella yawned out of her room, it was noon when she woke up.

"Haist! Sakit ng ulo ko." Daing ni Ella at bahagyang hinihilot ang mag kabilang sintido.

Sa mahabang sofa nakapatong ang black coat at white v-neck t-shirt na pag mamay-ari ni Orion.

Napakunot ano noo ni Ella nandito parin ang lalaki?

Pagpasok niya sa dining area nalanghap niya ang mabangong amoy ng pagkain. Bigla tuloy kumulo ang sikmura niya, nakaramdam agad siya ng gutom.

Tumuloy siya sa kitchen doon niya naabutan na abalang nagluluto si Orion. Naka half naked ito tanging maong na pantalon ang suot nito pang ibaba.

Hindi maiwasan ni Ella ang pagmasdan ang malapad na likod ni Orion. May tattoo ang lalaki sa bandang batok, ang bawat paggalaw ni Orion ay nag fi-flex ang mga muscles nito lalo na sa magkabilang malaking braso nito.

"You're done checking on me?" Boses ni Orion. Napakurap-kurap si Ella at binaling ang paningin sa ibang dereksiyon.

"Hmmm,,, hehehe." Mahinang tumawa si Ella sabay kamot ng ulo.

"Bango ng niluluto mo ah, mukhang masarap manager." Anang ni Ella. Iwas na iwas si Ella na huwag tumitig sa walong pandesal na nasa tiyan ni Orion.

Lumapit siya sa lalaki at sinilip ang niluluto nito. "Wow! Chicken Penne Pasta! Paborito ko yan. Luto na bayan pwede na bang kumain?" Nakangiting wika ni Ella.

Hindi sumagot si Orion pinatay niya ang electric stove at muling bumaling kay Ella.

"Nakangiti kana. Are you feeling better now? Nakalimutan mo naba kahit paano si Fi--"

"Stop!" Pigil ni Ella sa sasabihin ni Orion.

Umismid ang labi ni Ella at tumalikod kay Orion.

"Manager naman, maganda ang gising ko ngayon. Pakiusap, huwag mong babanggitin ang pangalan ng manlolokong Finyx na 'yon! Eeeeeh! Ano ba yan ayoko nga maalala pa ang pangalan ng Finyx na 'yon! Grrr! Kainis!" Nag papadyak si Ella na parang bata.

Napakamot ng batok si Orion sabay iling. "Mas maigi pa sigurong kumain nalang tayo. Gutom lang yan." Suhestiyon ni Orion.

"Maigi pa nga," sang-ayon ni Ella.

"Kukuha lang ako ng plato." Nag tungo si Ella sa drawer kung saan nakalagay ang lahat ng mga plato. Pag bukas ni Ella ay napukunot ang noo niya dahil isang pirasong platito ang naroon.

"Bakit nawala yung mga plato? Saan napunta?" Wika n'ya sa isipan.

"Yung mga plato ko?" Tanong niya kay Orion.

Nagkibit balikat ang lalaki sakto naman dumating si Girly bitbit ang supot na may lamang paper plates at plastic cups.

"Hi beshy gising kana pala." Bungad sakanya ni Girly.

"Bakla, yung mga plato ko saan mo dinala? Beninta mo ba?"

"Wow ha! Ano akala mo sa akin pulubi? Mag bebenta ng plato mag kapera lang. Hindi mo ba naalala yung ginawa mo kaninang madaling araw?"

"No, ano ba ginawa ko?" Totoong walang maalala si Ella sa mga ginawa niya. Lasing na lasing siya kaya wala na siyang maalala na kahit ano.

"Binasag mo lang naman." Wika ni Girly.

"Lahat?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ella.

"Yes, lahat, pati baso at tasa ay ubos."

"Oh my god! Yung mga alak ko? Hindi ko naman binasag diba?"

Napamaang si Girly si Orion ay panay iling lang nito.

"Langhiya, nakakabilib ka talaga. Buti pa sa mga alak mo may concern ka. Pero yung tangkang paglalaslas mo ng pulso kanina ay parang bale-wala lang sa'yo. Ella hindi ko nagustuhan ang ginawa mo. Ayos lang mag pakatanga ka kay Finyx. Pero yung saktan mo ang sarili mo dahil kay Finyx? Malaking kabaliwan. Huwag mo na ulit gagawin iyon beshy. Buti nalang nandito si Fafa Orion, at hindi ka pinabayaan. Nag-alala ako sa'yo ng sobra." Naiiyak na wika ni Girly.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon