Last Chapter

1.4K 44 7
                                    

                      

"Baby, stop crying, please. Mommy's here."

Panay ang iyak ni Elaniyx siguro ay hinahanap nito ang bisig ni Finyx.

Walong buwan na si Elaniyx, pitong buwan na rin kasal si Finyx at Ella. Nang manganak si Ella kay Elaniyx, isang buwan ang lumipas ay agad sila nag pakasal ni Finyx.

"Akin na nga muna si Elan, kanina mo pa siya buhat-buhat. Bakit ba wala pa si Finyx hanggang ngayon." Wika ni Girly.

"Hindi ko alam sa hudyo na yun. Nag paalam siyang a-attend sa padispidida party ni Race. Pero alas-dos na ng madaling araw, wala parin siya. Kinakabahan na nga ako e, baka may nangyari na naman na masama  kay Finyx." Anang ni Ella.

"Huwag ka mag alala sa asawa mo, kasama naman niya si Paul diba. Siguradong hindi siya pababayaan ni Paul." Pagpapanatag ni Girly sa kalooban ni Ella.

Walang tigil ang iyak ni Elaniyx kahit buhat at sinasayaw-sayaw na ito ni Girly.

"Ano ba ang problema mo inaanak? Sinasayaw ka na ni tita ninang, halos malaglag na nga ang dalawang itlog ko sa pag-sasayaw sa'yo. Bakit ba panay ang iyak mo, baby?" Pagkaka-usap ni Girly sa bata.

"Baka nababahuan sa kili-kili mo baks." Biro ni Ella.

"Gaga!" Saad ni Girly.

"Alam mo, magpahinga kana nga at maaga ka pa magigising bukas. Diba bukas na ang kasal ni Race at ng girlfriend niya." Wika ni Girly.

Bukas na rin kasi ang kasal ni Race at ng nobya nito. Si Ella ang kinuha ni Race na kakanta sa kasal nito. Hindi kasi natuloy ang kasal ni Race noong nakaraang taon sa nobya nito. Dahil nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan ang dalawa.

"E, paano ako matutulog kung umiiyak si Elaniyx. Hindi ko naman puwedeng tulugan ang anak ko." Aniya ni Ella.

"Ako na muna ang magbabantay sa anak mo. Mahaba-haba naman ang naitulog ko kaninang hapon." Turan ni Girly kay Ella.

"Pero si Finyx, wala pa. Ang hinayupak na yun, baka may ibang babaeng kasama." Inis na wika ni Ella.

"Sus, huwag mo na nga isipin ang asawa mo. Kulot na ang bulbol nun, takot lang nun sayo." Saad ni Girly.

Kinabukasan. Nang magising si Ella ay nasa kanyang tabi na si Elaniyx. Habang si Girly ay nakahiga sa mahabang sofa.

Napakunot ang noo ni Ella dahil wala pa hanggang ngayon si Finyx.

"Ang tarantado, umaga na wala parin." Inis na bumangon si Ella sa kama.

Nilagyan ni Ella ng unang sa kanang bahagi ni Elaniyx, upang hindi ito mahulog. Mahimbing pa ang tulog ng bata kaya iniwan niya muna ito sa kama.

Kinuha ni Ella ang long robe silk satin at binalot sa katawan.

Bago siya lumabas ng silid ay kinuha niya ang  kanyang cellphone sa ibabaw ng bedside table. Nakita niya ang ilang mensahe mula kay Race. Ni-open niya ito, limang larawan mula kay Race, group picture ito ng mag kakaibigan kagabi. Kumunot ang noo n'ya ng mapansin ang isang babaeng katabi ni Finyx. Nakayakap pa ito sa baywang ng lalaki habang ang ulo ay naka-hilig pa sa dibdib ni Finyx. Maganda ang babae, makinis at maputi.

"That punk, wagas maka-ngisi humanda lang talaga siya sa akin." Aniya ni Ella.

Pagkababa ni Ella sa hagdan ay nakasalubong niya ang isa sa kanilang kasamabahay.

"Good morning po, ma'am Ella." Magalang na bati ng babae.

"Good morning." Balik na bati ni Ella rito pero nakasimangot ang mukha ni Ella.

Chase Me EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon