Chapter 1

9.8K 187 1
                                    

New story.One shot lang sana ito kaso humaba na ng humaba kaya ayan.Trip ko lang ito kaya nasa sa inyo na kung gusto nyo basahin.Alam kong medyo may kaparehas na ang tema nito sa ibang story pero ngayon palang sinasabi ko na pong sa sarili kong utak nanggaling ang laman nito.So ayun lang po.Enjoy!

Kung mapapansin nyo maikli lang ang bawat chapter kasi nga po dapat one shot lang ito.

Sa cover naman po kung may kilala kayong marunong gumawa pakilala nyo naman sakin.


.

.

Chapter 1

"Hiwalayan mo na yang babaeng yan Sean, wala syang naidudulot na mabuti sayo.Look dahil sa kanya natuto kang uminom!"Sigaw ni tita.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo ma na mahal ko si Thea.At hindi siya ang nagturo saking uminom.Pinatikim lang naman ako ng mga kaibigan ko.At isa pa nasa tamang edad na ako."Sagot ni Sean.Halata sa boses nito ang pagkairita.

Nasa sala sila habang ako ay nasa kusina kaya rinig ko ang pagbabangayan nila.Umuuwi kasi ngayon si Sean ng nakainom at ngayon lang nangyari iyon.Hindi kasi umiinom si Sean.

"At tignan mo, sinasagot mo na ako at sinusuway.At pati ang pag-aaral mo hindi mo na pinagpatuloy.And it's all because of her."

"Ayan na naman tayo ma.Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi sya sangkot duon.It's my decision na huminto sa pag-aaral.Pagod na ako."

"Sean huwag mo kong tatalikuran!"Tawag pa ni tita Claire kay Sean.Malamang pumasok nayun sa kwarto niya.

Kasalukuyan akong naghahanda ng hapunan namin.Maya-maya lang pumasok si tita sa kusina at uminom ng tubig.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa batang iyan."Bulaslas ni Tita Claire.Tuloy parin ako sa paghahanda at hindi sumagot.Wala akong masabi e.

"Kaya dapat kumilos ka na ija sa lalong madaling panahon.Ayokong dumating ang panahon na tuluyan na siyang mapikot ng babaeng iyon."

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin kay tita. Dalawang linggo na ng sabihin sakin ni tita ang utos niya.

"Kumilos ka na Mandi.Ikaw nalang ang pag-asa ko."

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon