Chapter 6

3.9K 89 1
                                    

Chapter 6

Nakita ko si Sean mag-isang kumakain ng almusal.

"Nasan si Thea." Tanong ko.Kumain narin ako.

"Umuwi." Tipid nitong sagot.

"Buti naman naisipan niya pang umuwi.Akala ko dito na siya titira e."mahina kong sabi.

"May sinasabi ka?"

"Wa-wala ah!" Sagot ko.

"Nga pala ngayon ngayon lang tumawag si tita Claire, sa isang linggo pa daw ang uwi nila ni nanay." Sabi ko.Hindi man lang siya sumagot.

"Nga pala tutal ikaw naman ang gumagamit ng kotse ikaw na ang maglinis nun, maglilinis ako ng bahay ngayon." Sabi ko pa.

Kahit hindi sumagot kanina si Sean ay sinunod niya parin ang utos ko.Pagkatapos kong maglinis ng bahay.Ay lumabas na ako upang magdilig.Nakita ko kung paano pagpantasyahan ng mga kapit-bahay namin ang naka-short lang na si Sean.Nagkakalat na talaga ang malalande sa paligid.Napatingin naman ako kay Sean na seryosong naghuhugas sa kotse.Namula ako ng mapagmasdan ko ang matipuno nyang katawan.

Nang mapatingin sya sakin ay nag-iwas kaagad ako.Kinuha ko na yung karetera kaso walang lamang tubig iyon.

Lumapit ako kay Sean kasi hawak niya yung host.

"Sean peram ng host." Sabi ko.

Hindi ko alam kung sinadya ba niya o hindi na basain ako.Oo, basang basa ako.Pagkaharap niya kasi sakto sakin yung host, hindi niya man lang binaba.

"Hahahaha!" Rinig kong tawanan ng mga nakakita.Tinignan ko ang mga ito ng masama.Nakangisi naman si Sean ng tignan ko.

"Argh!" Kinuha ko sa kanya yung host at binasa ko rin sya.Nag-agawan kami sa host.

Nabitawan namin pareho yung host ng muntik na akong madulas.Napahawak sya beywang ko para masalo ako.Nagkatitigan kami.Nang mapagmasdan ko sya mass lalo kong nakita ang kagwapuhan nga.Makapal ang kilay niya, mahaba ang pilikmata at mas malaki ang itim ng mata niya kaysa sa puti.Sobrang tangos ng ilong niya, at ang labi niya kulay pink.Gwapo sya in short.

"Aaaaaahhh ! — Ouch!"

Nadulas kami pareho at nauntok ako.Pakiramdam ko nahilo ako sa sakit.Napapikit ako sa sakit.

"Okey ka lang?" Tanong ni Sean.Inupo niya ako.

"Ang sarap." Sagot ko habang hinihimas yung ulo ko.

"Pfft... Hahahaha!" Aba't tawanan daw ba ako.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon