Chapter 20

3.4K 76 0
                                    

Chapter 20

"Mandi hindi pa umuuwi si Sean. Dalawang beses na.Nagkikita na naman ba sila ni Thea?" Tanong ni tita.Yumuko nalang ako.

"Sorry po tita kung hindi ko nasunod ang utos nyo.Sorry po.Hindi ko po sya kayang ilayo sa babaeng mahal niya." Mahina kong sabi.May namumuo na naman sa mata ko.Pumikit ako ng mariin.

"Mandi ija, mahal mo ba ang anak ko?" Nagulat ako ng seryosong sabihin ni tita Claire iyon.Napatingin ako sa kanya.Tumulo na ang luhang namuo sa mga mata ko.

"Tita ginawa ko *hik* po ang lahat *hik* kaso si Thea lang talaga ang mahal *hik* niya e *sniff*!" Pinunasan ko ang sipon kong tumulo gamit ang braso ko.

"Hay! Confirm Mandi.Ako dapat ang humingi ng tawad sayo.Dapat hindi ko na pinilit kang—"

"No tita. Wala kayong dapat ihingi ng sorry.Gusto ko po kayong pasalamatan sa lahat lahat at pati sa utos nyo.Thank you dahil binigyan nyo ko ng chance na makilala ang anak nyo." Ngumiti ako.Bumuntong hininga si tita bago ngumiti.

"Hay! Payakap nga.Hindi talaga ako nagsisising kinupkop ko kayo." Nagyakapan kami ni tita.

Gabi na ng umuwi si Sean. Dumiretso sya kaagad sa kwarto niya.Nagkaharapan kami pero hindi ko sya pinansin.Nakainom sya pero hindi ko na sinabi kay tita.Napagdesisyunan kong lalayo na ako sa kanya.Ayoko ng lumalim pa lalo itong nararamdaman ko.

Nakahiga ako habang nagbabasa sa kwarto namin ni nanay ng kumatok si tita Claire.

"Mandi hindi pa kasi lumalabas simula kanina pa ng kwarto niya si Sean.Pakidalhan mo naman ng pagkain.Ayaw niya kasi niya akong papasukin sa loob."Pakisuyo ni tita.

"Tita baka hindi rin niya po ako papasukin." Diretso kong sabi.

"No Mandi.Ayaw nyang ako ang magdala dahil ikaw ang gusto niya.Please ija, kahit ngayon lang."

Ako ang gusto nyang magdala? E ayaw nga nyang lumapit pa ako sa kanya? Napabuntong hininga ako.

"Sige po."

Pumasok ako ng hindi na kumatok.Nakatalukbong siya sa kama.Pinatong ko na ang pagkain.

"Kumain ka na.Nag-aalala sayo si tita Claire." Tumalikod na ko.

Maglalakad na sana ako ng marandaman kong may humawak sa kamay ko.Ito na naman ang puso ko, bumibilis na naman ang tibok.Traydor.

Sa gilid ng mata ko nakita kong nakaupo na siya.

"Ayan na ang pagkain mo kaya bitawan mo na ang kamay ko at lalabas na ako."Malamig kong sabi.Nang hihilahin ko na yung kamay ko mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak.Nagtaka ako bigla.

"Uh! Wait..."

Hinarap ko sya.Naiinis ako sa kanya.Kahit ramdam ko parin ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko na pinansin.

"I j-just wanna say—"

"Ano ba bitawan mo na nga ang kamay ko.Wala akong panahon makipag-usap sayo.Tinigilan na kita kaya tigilan mo na rin ako!" Napasigaw ako sa inis.

"Argh! Fine!" Naiinis din nyang binitawan ang kamay ko.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon