Chapter 36

3.6K 61 0
                                    

Chapter 36

Abala ang lahat sa paghahanda.Bisperas na kasi ng pasko mamaya.Nandito kami ngayon sa Robinson para mamili ng handa para mamaya.Kasama ko si nanay at tita Claire.

Mamaya nga pala sa pupunta ako sa bahay nila Roland para sa hinanda nilang kaunting salo- salo.Inimbitahan ako nila kahapon.

"Halika dun tayo sa fruit section ng makabili tayo ng maraming bilog na prutas!" Nagulat ako ng sabihin iyon ni tita ng malakas.

Napakamot ako sa ulo dahil napatingin sa amin ang ibang mga mamimili.Ngumiti ako sa kanila.

"Halika!" Bulaslas pa ni nanay at patakbo na nilang tinahak ang pupuntahan.Napailing nalang ako.

Simula kaninang umaga ng gumising ako ay nakita ko na ang ngiti sa mga mukha nila.Halatang mga excited para mamaya.Napapansin ko rin sa tuwing titingin sila sakin ay may nakakalokong ngiting sumisilay sa mga labi nila.Nakakaloka ang matatandang ito!

Pagkapasok na pagkapasok sa bahay ay pabagsak akong umupo sa sofa. Sa wakas nakauwi na kami!

Pagod na pagod ako samantalang yung dalawa Kong kasama ang hyper-hyper pa.Maliligalig pa!

"Ay! Ano ba!" Nagulat ako ng hablutin ang kamay ko patayo ni Sean.

"Pinapupunta na tayo nila Erick." Aniya.

"Te-teka, ngayon na ba iyon? Akal—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hilahin niya na ako palabas.

"Teka huy! Pagod pa ako eh!" Reklamo ko.

"Hindi pa ako nakabihis Huy! Sean naman eh!"

Ipinapasok na niya ako sa kotse niya ng may maalala ko.

"Teka yung mga regalo ko!" Sabi ko.

Tinitigan niya lang ako.Holy God! Nanlalambot ang mga tuhod ko sa way ng pagtitig niya.Sobrang lapit pala namin sa isa't isa.Nalalanghap ko ang amoy niya. Hmm.. Ang manly ng scent niya.Shocks! Pakiramdam ko matutumba ako.

Hindi ko namalayan na nakaalalay na pala ako sa braso niya.

"Sean, Mandi nakalimutan niyo!"

Sabay kaming lumingon ng marinig namin si tita Claire. Papalapit ito samin dala- dala ang mga regalong binalot ko.

Bago pa ano makalapit ay naunahan na ako ni Sean. Kinuha niya ang mga regalo kay tita at nilagay sa likod ng sasakyan.

"Bye lovebirds! Ingat kayo ah!" Kinikilig na anas ni tita.Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon