Chapter 37

3.9K 63 0
                                    

Chapter 37

Tawanan, kainan, konting inuman, at asaran lang ang pinaggagawa namin.Grabe ang saya namin lahat ngayon.

"Merry merry Chrishmash! Oh...oh... Whoah!"

Napatawa kaming lahat sa pagkanta ni Roland.Grabe nagpakalasing sya talaga para tulog na daw sya mamayang bisperas.

"Uy! Roland mahiya ka nga.Gunggong ka talaga!" Saway ni Bea kay Roland na sumasayaw na ngayon.Haha! Kunsumido sya sa fiancee nya.

"Hey babe letsh dansh!" Napakalakas na halakhak ang namayani sa loob ng malaking bahay na ito sa sinabi niya.

Sabay kaming napahinto ni Dave sa pagtawa ng magkatinginan kami.

Magkaharap kami samantalang nasa tabi ko si Sean. Naging seryoso ang mukha niya sandali maya- maya ngumiti sya sandali.Tumayo sya at lumabas.Pero bago sya tumalikod ay parang sinenyasan niya ako sumunod gamit ang pagngiti niya.

Tumayo ako.Naramdaman kong may humawak sa kamay ko- si Sean. Nagtataka nyang tinignan ako.Nginitian ko lang sya.Bumitaw sya kaya lumabas na ako.

Nakita ko si Dave na nakaupo sa tabi nakatingin sa kawalan.Nang makita niya ako ay tumayo sya at lumapit sakin.Nagngitian kami sandali at tumingin na sya muli sa kawalan.

"Tatlong araw tayong hindi nagkita, namiss kita." Nakangiting sabi nito.Tinignan ko lang sya.

"Mandi pwede ko na bang kunin ang sagot mo?" Seryosong sabi niya ngunit nakangiti parin sya.

Ayokong makasakit.Napamahal na sakin si Dave. Sa dami ba naman ng ginawa niya para mapasaya at maparamdam sakin na hindi ako nag-iisa hindi na ako magtataka na magkaroon na sya ng puwang sa puso ko.Mahalaga sya sakin.

Lumipat ako ng pwesto papunta sa harap niya.Nginitian ko sya ng tignan niya ako.Hinarap ko sya.

Lumapit ako sa kanya tyaka ko sya sinunggaban ng mahigpit na yakap.                                                                                    

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon