Chapter 2

5K 121 3
                                    

Chapter 2

Pinapakilos na ako ni tita ngayon araw din mismo.Kinabukasan kasi ng mag-away sila ni Sean ay dalawang linggo ito na Hindi umuwi at ngayon lang.Dumiretso agad ito sa kwarto niya at Hindi pa lumalabas maghapon.Inuutusan ako ni Tita na dalhan itong hapunan.

Kasalukuyan akong nasa tapat ng pinto ng kwarto ni Sean at hindi ko alam kung kakatok ba ako o Hindi.Pero sa huli pumasok nalang ako kaagad.

"Sean?" Pagkapasok ko Hindi ko sya nakita sa higaan niya.Marahil nasa banyo ito.May sarili kasing banyo ang kwarto nito.

Nilapag ko muna yung pagkain.Napahinto ako sa gulat ng pagtalikod ko nasa harap ko ang katawan ni Sean.Hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

Nakapantalon lang ito at walang suot na damit.Namula ako ng mapagmasdan ang matipunong katawan nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyong tanong nito.Napapitlag ako dun.

"A-ano p-pinadalhan k-ka ni tita ng hapunan." Nauutal kong sabi.Kinakabahan ako.

"Lumabas ka na."malamig na anas nito.Hindi ko alam kung bakit hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.

"Bilis! " sigaw nito dahilan para mapatakbo ako papuntang pintuan.Pero hindi ko pa nahahawakan ang seradura ng biglang maalala ko yung utos ni tita. Pinakikilos na niya ako.

Humarap ako muli sa kanya.Nakatayo parin ito sa pwesto niya kanina.Tinaasan niya ako ng kilay.Tinaasan ko rin sya.

Paano ko ba uumpisahan?

"Hoy! Bakit ba ang sungit mo, huh? Ikaw na nga dinalhan ko ng pagkain dyan.Imbis na magpasalamat ka.Hindi porket gwapo ka." Bulyaw ko.Yung huling sinabi ko mahina lang syempre.Nakakahiya no.

"Tss... Sinabi ko bang dalhan mo ko?" Humiga na ito.

"Aba't— "

"Lumabas ka na."sabi pa nito bago pumikit.

"Argh!" Bastos itong Sean na ito.Tulugan daw ba ako?

Pabagsak kong sinara ang pinto.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon