Epilogue

5K 78 0
                                    

Epilogue

"Sean te- teka saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Sean ng pagkapasok ko sa masyon ay biglang hinablot niya ako.

"Uuwi na tayo!" Mariin nyang sambit.

"Pe-pero hindi pa tapo-"

"Kapag sinabi kong uuwi na tayo uuwi na,tayo!" Nagulat ako ng magtaas sya ng boses.

"Hey! Sean boy ano na namang topak mo?" Mapang- asar na tanong ni Erick.

Napalingon ako sa kanila.Prenteng nakaupo si Erick habang umiinom samantalang bagsak na si Roland.Hinanap ng mga mata ko si Bea, Diana at maging si Dave na naunang pumasok sakin kanina.

Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko ng makita ko si Dave na nakaupo sa lapag hawak ang dumudugo nitong labi.Nasa tabi niya si Bea at Diana na inalalayan sya patayo.

"Oh god! Anong nangyari sa labi mo Dave?"

Akmang lalapit ako kay Dave ng maramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Sean sa kamay ko.Napangiwi ako.

"Tss... Masakit." Napatingin ako Kay Dave ng magsalita sya.Sumilay sa labi nyang putok ang nakakalokong ngiti.

"Fuck!" Galit na sambit ni Sean. Humigpit pa lalo ang hawak niya sa kamay ko dahil sa pang- gigigil.

Nagsukatan sila ng titig ni Dave. Bago pa sila magkasakitan ay nagsalita na ako.

"Merry Christmas uli guys. Nag- enjoy ako. Uuwi na kami baka hinahanap na kami nila nanay at tita Claire. Bye guys! Merry Christmas."

Pagkatapos kong sabihin yun hinila ko na palabas si Sean.Nang makalabas na kami ay siya na ang humila sakin.

Mabilis naming narating ang bahay pero hindi pa kami agad bumaba.

Nagulat ako ng hampasin bigla ng malakas ni Sean ang manibela.Napahawak ako sa dibdib ko.

"Sinagot mo na ba sya?" Sigaw niya pagkaharap sakin.

Naguguluhang tinignan ko sya.

"Te-teka nakita mo-"

"Oo! Kung paano kayo mag- ngitian at magyakapan sa isa't isa.Nakita ko!"

Napabuntong hininga ako.

"Narinig mo ba?" Mahinang sabi ko.Yumuko ako.

"What do you mean?"

...

"Sorry Dave. Hindi ko maibibigay ang gusto mong sagot." Sinsero kong sabi.Nagsumiksik ako sa dibdib niya.

Niyakap niya narin ako ng mahigpit.Isiniksik niya ang mukha ko sa leeg ko.

"I guess..." Mahinang sabi nya.

Naramdaman kong nabasa ang leeg ko at mas lalo syang nagsumiksik sa leeg ko.

Nasasaktan ako.Nasasaktan ako para kay Dave. Kung pwede ko lang utusan ang puso ko na sya nalang.

...

"Sinagot ko sya. Sinabi kong hindi ko maibibigay ang magandang sagot na gusto niya.Humingi ako ng tawad." Mahinang sabi ko.

Nagulat ako ng hilahin niya ako payakap sa kanya.

"Yun lang ba ang sinabi mo?" Mahinahong tanong niya.

Ang gulo talaga ng lalaking ito.Sobrang bipolar! Kanina maamo- tapos nagalit- ngayon malambing.Hay! Sean ka. Ano bang utak meron ka?

Napaisip ako sa tanong niya.Pakiwari ko may gusto syang marinig.Napabuntong hininga ako.Alam ko na yun.Gusto nyang marinig ang mga salitang iyon.

"Si-sinabi Kong m-mahal kita hanggang ng-ngayon..." Mahinang sagot ko.Dyahe nautal pa ako!

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagyakap niya sakin.

"I l-love you too, M-mandi...!"

Natigilan ako.Kahit mahina malinaw sa pandinig ko ang mga sinabi nya. M-mahal niya ako sabi niya? Diba? Diba?

"A- nong sinabi mo? Paki- ulit nga?"

Lumayo ako sa kanya at tinignan ko sya sa mata.Mabilis syang nag- iwas ng tingin tyaka kumamot sa noo.Aw! Ang cute! Kinikilig ako.Ayeeeeh!

"Alam kong narinig mo kaya hindi ko na uulitin." Sabi niya ng hindi nakatingin.

Kitang- kita ko ang pamumula ng tenga at pisngi niya. Ayeeeeh! Nagba- blush si loko.Maloko nga.

Ngumuso ako.

"Dapat talaga sinagot ko na si Da-"

"I said I love you. Okey?" Hindi na niya ako pinatapos, sumagot na sya kaagad.

Hwuuuaaahh! Gusto kong magpagulong- gulong sa kilig.

Sinunggaban ko sya ng napakahigpit na yakap sa leeg.

"A- ahck! Hi- hindi a-ko m-makahing-a..."

"I love you, I love you Sean!" Pinugpog ko sya ng maraming halik sa mukha.

Hindi alintana na hindi na sya makahinga.Hihihihi!

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon