Chapter 23
Tatlong araw kaming namalagi sa bahay ng lola niya.At masasabi kong nag-enjoy ako.
Sa kwarto ng mga pinsan nyang babae ako natulog.Grabe nga yung mga yun. Paano ba naman bago kami matulog kumakain kami at nagkwekwentuhan.Kaya lagi kaming tanghali gumising.Tapos maghapon lagi kaming naglalaro.Parang mga bata kumilos diba? Pero ang mga edad nila labing anim pataas na.Hindi nga sila napapagod e.
Si Dave naman todo asikaso sakin.Kung nasaan ako nandun sya.Lagi syang nasa tabi ko.Kaya lagi kaming tinutukso.Lagi niya akong pinagsisilbihan.Pinaparamdam niya sakin na espesyal ako.Ang sweet diba? Sa totoo lang kinikilig ako minsan sa ginagawa niya.Pero kasabay nun ang pag-aalinlangan ng puso ko.At aminin ko man o hindi e natatakot na akong mag—
"Nandito na tayo Mandi." Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Dave.
Nakahinto na pala ang sasakyan at nasa tapat na kami ng bahay nila tita Claire. Hiniram niya itong sasakyan sa Tito niya.Bumaba na sya para pagbuksan ako ng pinto.Saktong pagkababa ko nagkatitigan kami.Nauna akong umiwas ng ngumiti sya.Nagulat ako ng pihitin niya ang ulo ko paharap sa kanya.Nandun parin yung ngiti niya.
"Nag-enjoy ka ba?" Tanong niya.
Marahan akong tumango.Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Salamat."
"Wala yun.Basta para sayo." Nakangiti nyang sabi.
Nagulat ako ng ilapit nya ang ulo ko sa kanya tyaka hinalikan.Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.Biglang may naalala ako.Yung araw na hinabol niya si Thea yun ang araw na iniwan niya ako, ay ang araw rin na hinalikan niya ako sa noo. Parang biglang may pamilyar na naman akong nararamdaman.Naisip ko lang siya bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Ahem!" Nabalik ako sa reyalidad ng may tumikhim.Nakita ko si Sean na nakasandal sa pinto habang nasa bulsa ang kamay nya at umiiling-iling.Napakunot noo ako.Ano problema nito?
Pumasok na sya sa loob.Tsk! Hindi man lang ako tinulungan ipasok ang maleta ko.Nilibot ko ang paningin ko.Hay! Hindi ko man lang namalayan na nakaalis na pala si Dave.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...