Chapter 9

3.7K 96 1
                                    

Chapter 9         

Alas-sais ng umaga nang simulan naming mag-jogging dito sa luneta.Nag-plano kasi si Thea.Dapat dalawa lang sila e pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Sean at isinama ako.Pero okey narin yun para hindi sila makapagsolo.

Nauunang tumakbo sina Sean at nasa likod nila ako.Gusto kasi ni Thea magkasabay sila. At sa totoo lang nabubuwisit ako sa pagiging demanding nyang si Thea.Pinagtitinginan nga sila ng ibang tao dito, sweet daw.Napapairap ako sa inis.

Alas-otso na ng umaga at tirik na tirik na ang araw.Pawis na pawis na nga ako e.

"Pahinga muna tayo hon, dun tayo sa park!" Sabi ni Thea kay Sean.Buti naman naisipan niya.

Dumiretso sila sa pwesto na nakita nila samantalang ako bumili ng sarili kong tubig.May dala silang sarili nilang tubig at tuwalya e.

"Bakit bumili ka pa ng tubig Mandi may dala naman kami." Sabi ni Thea pagkalapit ko sa kanila.

"Kulang satin yan." Sagot ko nalang.

Napatingin ako kay Sean.Tinutungga niya yung bote.At sa totoo lang ang hot niya tignan habang umiinom, tumutulo pa yung ibang natatapon na tubig.

Napaiwas kaagad ako ng tingin ng mahuli niya ako.

"Hon papunas naman ng likod ko oh! Pawis na pawis e." Pagkasabi ni Thea nun sinunod kaagad ni Sean yun.

Alam kong dahilan lang ni Thea yun.Paano ko nasabi? Syempre ngumiti siya ng nakakaloko.Alam kong inaakit niya si Sean batay sa obserbasyon ko mga ikinikilos niya kaninang umaga.

Nag-away kasi sila kahapon sa hindi ko alam na dahilan at ginagawa ni Thea yun para mapatawad na siya nito.At batay sa reaksyon ni Sean alam kong nadadala siya, at hindi pwede yun.Kaya kikilos na rin ako.

"Ang init." Sabi ko tyaka ko tinanggal yung jacket ko.Naka-sando ako at jacket tapos jogging pants at rubber shoes.

Nakita kong napatingin si Sean at ibang tao duon nung hinubad ko na yung jacket ko.Lihim akong napangiti.Dahan dahan kong pinunasan yung likod ko.

"Uh Thea, bumili ka muna ng makakain." Narinig kong sabi ni Sean.Sumunod naman kaagad si Thea.

Kami nalang natira.Tinali ko yung buhok ko.At pagkatapos kong itali naramdaman kong may tuwalyang inilagay sa likod ko.Binalot sakin ni Sean yun.Nang nakapulupot na sakin yung kamay niya hindi niya kaagad inalis yun.

"Maraming tumitingin sayo." Bulong niya sa tenga ko.Nagtaasan lahat ng buhok ko sa katawan dahil dun.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon