Chapter 30

3.4K 75 0
                                    

Chapter 30

"Ang damot mo pare ayaw mong ipakita samin ang kata—"

"Manahimik ka." Matigas na sabi ni Sean. Tinignan niya ng masama sila Roland ng sabay sabay ang mga ito tumawa.

Kanina pa nila iniinis si Sean dahil sa pagpapaswimming niya sakin ng nakabistida.Kinikilig parin ako.

Kasalukuyan kaming kumakain sa cottage.

"Walang makakakita sa katawan niya kundi ako lang." Napahinto ako sa pagsubo sa sinabi niya.Nakanganga pa ako.

"Whoa!"

Tumayo ako kaya napatingin silang lahat sakin.

"Magsi-cr lang ako." Dali-dali akong tumakbo papunta sa cottage namin ni Bea.Kailangan kong mailabas itong kanina ko pa kinikimkim.

"Ayeeeeeeeeehh !" Pagkapasok ko ay dumapa ako sa higaan tyaka tumili.

Nagulat ako ng pagkabukas ko ng pinto nandun si Dave. Babalik na sana ako.Umiwas ako ng tingin dahil nailang ako sa way ng pagtingin nya sakin.

"Kayo na ba?" Tanong nya.

"Huh?"

"Kayo na ba ni Sean?"

Umurong ang dila ko sa sinabi niya.Hindi ko sya masagot.Ayoko sumagot.

"A-eh..."

"Yes. Kami na.So back off." Nagulat ako ng mula sa likod ni Dave nakita kong palapit si Sean samin.Nang makalapit sya ay tumabi sya sakin tyaka niya ipinulupot ang braso niya sa beywang ko.

Nanginig ang buong katawan ko.Sinabi nyang kami na? Pe-pero...

"Hindi ako naniniwala sayo.Maniniwala lang ako kung kay Mandi mismo manggaling." Napatingin ako kay Dave.

Humigpit ang pagkakayapos ni Sean sakin sa beywang.Yumuko ako tyaka dahan-dahang tumango.

"Pero sinaktan ka niya Mandi kaya sigurado akong sasaktan lang din niya ulit." Hinawakan ako ni Dave braso kaso tinanggal din kaagad ni Sean iyon at inilagay niya ako sa likod niya.

"No one can touch my property."

"Hindi mo sya pag-aari Sean.At pwede ba lubayan mo na sya dahil iiyak lang sya sayo."

"Ikaw ang lumayo sa kanya.At hindi na sya iiyak pa."

Nagkakasagutan na sila.Halos manaba ang puso ko sa mga sinasabi ni Sean ngayon.Totoo ba ito?

"Hindi ako susuko.Hindi ko hahayaang mapunta sya sayo." Napatingin ako kay Dave.

"Hindi mo sya makukuha sakin."

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon