Chapter 5

3.9K 102 4
                                    

Chapter 5

Isang linggo na nakakaraan ng umalis sila tita.At ang totoo nyan lagi ng nandito si Thea.Nalaman kong nag-away sila at ngayon lang nagkabati.Nung una okey lang sakin, tutal mabait naman si Thea at minsan tinutulungan pa niya ako sa gawaing bahay.Pero ngayon naiinis na ako sa kanila.Paano ba naman grabe sila maglambingan sa harap ko.Landian ang lambingan nila e, kairita.

Tumawag nga pala kanina si tita at pinaalala na ipagpatuloy ko lang daw ang utos niya.Kailangan ko ng sundin ang utos niya bago pa niya malaman na balik  na naman si Sean kay Thea.

"Hon matulog na tayo."Sabi ni Thea.Magkayakap silang nanunuod.Nandito ako sa kwarto at nakasilip sa kanila.Nasabi ko na bang tatlong araw ng natutulog si Thea dito? Magkasama silang natutulog sa kwarto ni Sean.Tsk...Kapag nalaman ni tita ito lagut ako.

"Mauna ka na hon."sagot ni Sean ng hindi inaalis ang tingin sa TV.

"Sige una na ako."

Nakita ko kung paano maghalikan ito bago pumasok si Thea sa kwarto.Ito na ang tamang panahon.

"Sean pahilot naman ng likod ko.Masakit kasi.Naglaba kasi ako kanina."Tumabi ako sa kanya.Napatingin ito sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Ano ka ba? Ito na nga lang ibabayad mo sa paglalaba ko sa damit mo." Sabi ko sabay palo sa balikat nya.

"Wala akong sinabing labhan mo." Sagot nito.

"Dali na." Nilagay ko na yung kamay niya sa likod ko.Sandali syang hindi umimik pero maya-maya lang gumalaw na yung kamay niya.Napangiti ako.

Napapaliyad ako sa hilot niya.Kagat ko nga ang labi ko habang pababa yung kamay niya, iniiwasan kong umungol.

"Ah..."Ang sarap ng hilot niya.Ayan hindi ko na napigilang umungol.Kakahiya.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong malapit na sa pwet ko yung kamay.Hindi ko namalayan yun ah! Mabilis akong tumayo.

"Ah sa-salamat.Sige gu-goodnight."dali-dali akong pumasok sa kwarto ko.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon