Chapter 21

3.4K 75 0
                                    

Chapter 21          

Nagtataka na talaga ako sa kinikilos ni Sean simula kaninang umaga.Bakit? E paano ba naman simula ng gumising ako sige ang lapit niya sakin.

Una nag-almusal sya ngayon kasabay namin sa kusina at tumabi sya sakin.May binubulong nga e, tapos maya-maya guguluhin yung buhok nya na parang problemado.

Pangalawa nung lalabas sana ako hinarangan niya ako.Nagulat ako ng hilahin niya ang kamay ko.Akala ko nga papasok kami sa kwarto niya pero huminto sya sandali.Nasalikod niya ako.Bumulong na naman sya tapos kumamot uli sa ulo niya.Pumasok sya mag-isa sa kwarto niya sa huli.

Pangatlo nung nanonood ako bigla niyang pinatay yung tv.Tapos bigla syang lumapit sakin.Sobrang lapit.Napahiga ako sa sofa kakalayo pero nakorner niya ako.Nagkatitigan kami.Bumuka ang bibig niya.Alam kong may gusto syang sabihin kaya hinintay ko sya.Kaso nakita kami ni nanay at tita Claire sa ganung posisyon kaya nagtitili sila.Kaya mabilis na tumakbo papasok si Sean sa kwarto niya.

At ang pinahuli at pinaka-weird sa lahat ay na nasa kwarto ako at nakahiga.Bumulong sya sa tenga.Napadilat ako sa gulat.Nagtindigan ang buhok sa katawan dahil sa pagdampi ng hangin mula sa bibig niya sa tenga ko.Hindi ko naintindihan yung sinabi niya.Napatayo ako. Tinignan ko sya ng nagtataka

"Narinig mo?" Tanong niya.Umiling ako.

"Aish!"Ginulo nya ang buhok niya at lumabas saktong pumasok si nanay.

"Bakit nandito si Sean?" Tanong ni nanay.Nagkibit-balikat ako.

"Nandyan na nga pala si Dave sa sala." Ani ni nanay.

Pumayag na pala ako sa alok si Dave. Sasama ako sa kanya.Nakapagpaalam na ako kay nanay at tita Claire at pinayagan nila ako.Nakapag-impake na ako sa Antipolo kasi at medyo malayo.

Lumabas na ako.Nakita kong nakaupo si Dave kausap si Sean. Magkakilala sila?

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon