Chapter 15
Kahit isang beses niya lang binanggit naging malinaw sa pandinig ko.Tanging pagtakbo palabas lang ng silid niya ang nagawa ko.Masakit pala ipamukha sayo na may mahal syang iba. Na hindi ka niya kayang mahalin kasi may mahal syang iba. Para akong nasampal sa sinabi niya.
Ayokong maging mahina.Tama ng nasasaktan ako ngayon.Ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya.Napagdesisyunan kong huwag na munang lumapit sa kanya.Lalayo na ako.
"Mandi nakita mo ba si Sean nung umalis kaninang umaga?"bungad sakin ni tita pagkalabas ko ng kwarto ko.Umiling lang ako bilang sagot.
"Ija okey ka lang?" Lumapit sakin si tita at hinipo ang noo ko.
"Okey lang po ako. Sige po papasok na po ako." Ngumiti ako bago lumabas ng bahay.
"Mandi gusto kita. Actually matagal na.Natotorpe ako at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob umamin sayo.Gusto ko sana bago magbakasyon makaamin na ako para sa bakasyon maipakita ko sayo kung gaano ako kaseryoso sa nararamdaman ko sayo.Payagan mo sana akong ligawan ka." Amin ni Dave.Kakamot-kamot pa sya sa ulo habang nakayuko.
Ewan ko ba kung matutuwa ako sa pag-amin ni Dave o hindi.Pakiramdam ko yung puso kong tinapon pinulot niya.Ang ironic masyado ng buhay ko.Pagkatapos kong umamin na mahal ko siya na binalewala niya, eto si Dave umamin sakin na gusto niya ako.Ang problema kung sasabihin ko din bang may mahal na ako o papagayan ko sya.Ang gulo!
Biglang naramdaman ko na naman na basa ang mukha ko.
"Ma-mandi bakit ka umiiyak? Ayaw mo bang ligawan kita." Natataranta nyang sabi.
Pinahid ko ang luha ko at ngumiti.
"Naloloka ako sa totoo lang.Pero pag-iisipan ko *sniff*! " sabi ko nang nakangiti parin.
"Huh?"
"Pag-iisipan ko kung papayagan kita manligaw sakin o hindi."
Napahinto siya sa gulat.Pero maya-maya lang unti-unting sumilay ang isang napakalaking ngiti sa ngiti niya.Nagliwanag ang mukha niya.
Nagulat ako ng sunggaban niya ako ng yakap.
"Thank you Mandi, thank you.Promise you won't regret giving me this chance.Thank you!" Masayang sambit niya.
Masaya sya.Pero bakit ako malungkot? Pakirandam ko may ipinatong na mabigat na bagay sa dibdib ko.Sobrang bigat.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...