Chapter 16

3.5K 73 2
                                    

Chapter 16

"Saan tayo pupunta Sean?"Nagtataka talaga ako kung bakit isinama niya ako dito sa bahay ng kaibigan niya.

Pagka-uwi ko sa bahay sinabi kaagad niya na magbihis daw ako.Tapos kinaladkad niya ako papunta dito.

Hawak-hawak niya ang kanya ko ng pumasok kami sa loob.Sa totoo lang kinikilig ako dahil hawak niya ang kamay ko kahit pa medyo nakakaladkad niya ako.

"Woah! Nice catch Sean boy.Akala ko wala kang dadalhing sariling chicks e.By the way pakilala mo naman kami dyan sa napakagandang dilag na dala mo." Nangingiting bulaslas ng gwapong singkit pagkapasok namin sa bahay.Napayuko ako.

Dalawang lalaki ang nakaupo sa malaking sofa at may nakakingkis ding babae sa kanila.Parehong gwapo sila pero kasi yung isa singkit na mukhang babaero at isang lalaking mala-anghel ang mukha, cute siya inshort.

"Back off man she's my girl." Matigas na sabi ni Sean.

Nagulat ako ng hapitin niya ako palapit sa kanya.

Napatingin ako kay Sean at nakita ko kung paano siya tumingin ng matalim.Sinundan ko kung sya nakatingin-kay singkit.Nang mapatingin ako kay singkit nahuli ko syang nakatingin sakin- hinahagot niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.Sinisipat niya ang kabuuan ko habang nakangiti ng nakakaloko.

Yumuko ako.Na-concious ako bigla.Ang totoo nyan naka short ako na short at manipis na loose na floral na damit at sando sa loob.

"Huwag mo silang intindihin. Basta huwag kang aalis sa tabi ko." Nagulat ako ng bumulong si Sean sa tenga ko.Nagtindigan ang lahat ng buhok ko sa katawan dahil sa pagdampi ng hangin mula sa bibig niya.

Pagkaupo namin nagsimula na kaagad ang kwentuhan habang umiinom.Sila lang ang umiinom dahil hindi ako pinayagan ni Sean.Nalaman kong Erick ang pangalan ni singkit at yung babaeng katabi niya ay ang nililigawan nya- si Diana.Si Roland naman yung lalaking cute at girlfriend niya yung babaeng nakayakap sa braso nya-si Bea.Magiliw silang lahat sakin.Sige nga ang pang-aasar nila samin ni Sean.Kesyo bagay daw kami.Ngumingiti lang ako, samantalang si Sean walang reaksyon.

Napabuntung hininga ako.Nasa kalagitnaan kami ng pagkwekwentuhan ng may dumating.Nagulat ako ng malaman kung sino ang mga ito.Si Thea at isang lalaking.

"Nakarating din kayo sa wakas Lester." Sabi ni Erick.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon