Chapter 12
Hanggang ngayon nararamdaman ko parin yung labi ni Sean sa kamay ko.Hindi maalis sa isipan ko yung ngiti niya.At hanggang ngayon kinikilig parin ako.
Nandito na kami sa party.Si tita Claire busy sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.Ako nanditong mag-isang nakaupo sa mesa.Si Sean? Ayun nilalandi ng mga kababaihan dito.
Nakatingin ako ng masama sa pwesto ni Sean kasama ang mga babaeng nakalingkis sa kanya.Tawanan sila ng tawanan.
Nahuli ni Sean na nakatingin ako ng masama sa kanila.At ang hinayupak nginitian ba naman ako.Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko dahil sa inis.Kaya inirapan ko sya.
Maya maya may umupo sa harap ko na lalaki.Si Richard. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan kaya naalis ang atensyon ko kay Sean.Libang na libang ako sa kwentuhan namin. Mas matanda sakin ng dalawang taon si Richard.Kapatid niya si Rhian-yung may birthday. Matalik na kaibigan ni tita Claire si tita Rita na ang ina nila.
Nang wala ng makwento si Richard ay nagpatawa na naman sya para hindi ako maboring.Tawang tawa ako sa mga korning jokes at cheezy lines niya.At sa kalagitnaan ng halakhak ko may biglang humablot sakin at kinaladkad ako palabas ng gate.Si Sean.
"Ang bastos mong lalaki ka.Nakikita mo ng may kausap yung tao tapos bigla ka nalang manghahablot." Singhal ko dito.Hindi naman sya sumagot.Akmang papasok na ako sa loob ng hawakan niya ang kamay ko.
"Saan ka pupunta?"Tanong niya.
"Babalik sa loob." Kaswal kong sagot.
Hinila niya ako papunta sa gilid.Umupo sya at dahil hawak niya ako kaya napaupo narin ako.
"Anong trip mo?" Tanong ko.Tumingin sya sakin at umiling.
"Dito nalang muna tayo.Hindi ako-eenjoy dun." Hindi daw nag-eenjoy, kaya pala kanina...
"Kung ikaw hindi pwes ako nag-eenjoy." Sabi ko.Tatayo sana kaso hinigpitan nya ang hawak nya sa kamay ko.Tinignan niya ako ng masama.
"Hehe! Sabi ko nga dito lang ako."
Tahimik lang kaming nakaupo dun.
"Alam mo bang para kang tangang nakikipaglandian dun sa mga babae sa loob.May girlfriend ka tapos nakikipaglandian ka.Pasalamat ka Hindi ako ang girlfriend mo." Biglang sabi pambasag ng katahimikan.
Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Bakit gusto mo?" Sabi niya.
"Huh?" Pagtataka ko.
"Gusto mong maging girlfriend ko." Diretsong sabi niya.Nagulat ako dun.
"Hi-hindi ah! Yuck, a-ayoko sa bipolar na lalaki no." Depensa ko.
"Tsk..." Ngumiti lang sya.
Nagulat ako uli ng ipatong niya ang kamay niya sa ulo ko at guluhin ang buhok ko.Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
At mas lalong bumilis iyon ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...