Chapter 29
Nagising ako gabi na.Nakita kong naka-blue swimsuit si Bea sa loob ng medyo makapal nyang see through. Kainis kung alam ko lang na dito kami pupunta bumili rin sana ako ng akin.Kainis kasi si Sean hindi man lang sinabi.
"Oh! Gising ka na pala.Tayo nga pala ang magka-share sa cottage." Sabi niya.Tumango nalang ako.
"Magbihis ka na para makapag-night swimming na tayo.Hinihitay na nila tayo sa baba." Naglagay ito ng lotion sa katawan.
"Eh! Kasi ang totoo wala akong dalang swimsuit e." Kumakamot ako sa batok ko.
"E kasi naman hindi sinabi ni Sean na dito tayo pupunta.Grr!"
"Hahahaha !"
"O bakit nakaganyan ka?" Tanong sakin ni Diana ng makita ang suot ko.
Nakaspaghetti dress kasi ako dahil nahihiya ako sa loob nun.Pinahiram ako kanina ni Bea ng swimsuit niya e hindi ako komportable kaya nagbestida ako.Hindi sa may itinatago ako ah! Wala kaya akong bakas ng peklat at bilbil.Nahihiya lang talaga ako.
"Huh? E- ka-kasi ano e... Wala!" Takteng sagot yan.
"Wala ka bang swimsuits?" Tanong ni Erick pagkaahon sa tubig.Kasabay nyang umahon sa tubig si Dave.Nagkatinginan kami.Nginitian ko sya.
Para akong tanggang natulala ng makita ko ang huling umahon.Dahan-dahan sa paningin ko ang pagkilos ni Sean. Ang hot niya as in.Pakiramdam ko namanhid ako sa kinatatayuan ko.Gusto ko ngang haplusin yung bibig ko kung may laway na bang tumutulo kaso hindi ako makakilos talaga.Nang magkasalubong ang paningin namin ay nakakunot noo sya sakin.
"Uy! Mandi meron ka ba? Gusto mo pahiramin kita?" Napapitlag ako ng magsalita si Diana.
"Meron!" Sagot ko agad at dali-daling hinawakan ang laylayan ng bistida ko.Kaso hindi ko pa natataas may humawak na sa kamay ko para pigilan.Halos manlambot ang tuhod ko sa pagkakahawak ni Sean sa mga kamay ko at sa sobrang lapit niya sakin.Nakakunot noo parin sya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Hu-hubarin yung damit ko para ma-makapag swimming..."
"Kaya nga hindi ko sinabi sayo na dito magpupunta e tapos maghuhubad ka.Pwede ka namang mag swimming ng nakaganyan." Napanganga ako sa sinabi niya.Nagdiwang ang mga bacteria sa tyan ko.Bumilis ang tibok ng puso ko.Gusto kong mangisay at tumili sa sobrang kilig.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...