Chapter 4
Naiinis ako.Sobra.Paano ba naman parang walang nangyari kagabi at nagawa nitong pagsungitan kaninang umaga.Lapastangan sya.Nagkasugat kaya ang labi ko.
"Mandi bakit mo naman kinakawawa yang porkchop?" Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si tita. Kumakain kami ngayon.Nginitian ko si tita.
"Mukhang successful ang ginagawa mo ah! Look hindi na nakikipagkita si Sean kay Thea.Thank you ija." Sa pagkakaalam ko wala pa naman akong ginagawa.
"Ipagpatuloy mo lang Mandi hanggang sa makalimutan na niya si Thea." Ngiti lang naisagot ko.
"Mandi may report pala tayo ngayon, saan tayo gagawa?" Tanong sakin ni Dave, kaklase ko.Nasa school ako ngayon.
"Sige sa library nalang.kita nalang tayo mamayang uwian." Sabi ko dito at nagpaalam na.
Dalawang oras akong walang klase ngayon kaya umuwi na muna ako.Nagulat ako ng makita ang dalawang taong naghahalikan sa sala.Si Sean at hindi ko kilalang babae.Malaya nyang nagagawa iyon dahil umuwi sa probinsya si tita Claire kasama si Nanay.
Hinampas ko sila ng unan.
"Mga walanghiya kayo! Dinudumihan nyo ang paningin ko." Sabi ko sabay palo.
"A-aray!" Inda nung babae.
"Stop that fuck!" Todo salag si Sean.
"Ikaw malandi ka! May girlfriend yang kahalikan mo."Sigaw ko.
"And so." Aba't malandi talaga.Hahampasin ko sana uli sya ng mahawakan ni Sean yung unan.
"Kris makakaalis ka na."Sabi ni Sean.
"But—"
"Go!" Sigaw niya kaya tumakbo na paalis yung malandi.
Binitawan ko na yung unan at akmang tatalikod na ng magsalita si Sean.
"At saan ka pupunta?"
"Sa kwarto.May kukunin lang ako at babalik din kaagad ako sa school."Sagot ko.
"Pagkatapos ng ginawa mo?"
"Tsk..." Napangisi ako dun.
"Trip ko lang yun."Sabi ko.Nang tignan ko sya tinignan niya ako ng masama.Inirapan ko sya at tinalikuran.Hindi pa ako naglalakad ng hilain niya ako.Napahiga ako sa kanya.
"Nabitin ako."pagkatapos nyang sabihin yun walang pakundangang kinabig niya ang labi ko.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...