Chapter 10
"Akala mo ba hindi ko alam na inaakit mo ako." kompronta ni Sean sakin pagkaalis na pagkaalis ni Thea.
Nakaupo ako sa sofa tapos ang lapit sobra ng mukha ni Sean sakin.Yung dalawang kamay niya nasa magkabilaang gilid ko.Nginitian ko sya.
"E ano ngayon?" Sabi ko.Nagsukatan kami ng tingin.
Kanina kasi nung habang nagmo-movie marathon kami e landian sila ng landian.E nadi-distract ako, naiirita at naiinis.Kung maghagikgikan sila parang wala ako kaya ayun kumilos ako.
Nasa tabi kasi ni Sean yung remote nagkunyari akong lalakasan yung tv.Nasa gitna namin si Thea kaya lumapit ako palapit kay Sean para kunin ang remote.Sinadya kong tumigil sa harap niya ng malapit na yung mukha ko sa kanya.Nginitian ko sya.Bumaba ang tingin niya mula sa mukha ko papunta sa leeg ko pababa.Nakasando lang ako kaya alam kong may nasilip siya.
Pagkatapos nun tumigil na ako at bumalik sa panonood.Pero maya maya lang yumakap si Thea kay Sean at parang tangang sumisinghot sa leeg ni Sean.Napapikit si Sean dun.At nang makita kong nagngitian sa isa't isa nabwisit na naman ako.
Nag focus ako sa panonood.Pero hindi sinasadyang yung strap ng brassiere ko nalaglag at napunta sa braso ko.Napatingin sakin si Sean nun.Kaya imbis na itaas ay hinayaan ko nalang. Kunyari hindi ko alam.
Pero ito ang hindi ko na-take sa lahat.kiniss ni Thea sa pisngi si Sean ng hindi alam ni Sean.Nagulat si Sean dun.Nginitian lang siya ni Thea.Kaya ang ginawa ko nilatag ko yung mapuputing legs ko at kunyaring namgangati yung hita ko kaya ayun kamot.At mas nainis ako ng imbis na tumingin si Sean ay umiwas sya.Kaya walk-out ang move ko.
"Akala ko nga eepekto.Tsk, Hindi ka naman pala tinablan.Sayang efforts ko." Sabi ko.
"Naakit ako." Mahinang sabi nito.
"Huh?" Tanong ko.
"Nagtagumpay ka.Naakit mo ko."Sabi nito.Napahinto ako sa gulat.So ibig sabihin may karisma pala ako.
"Isara mo yang bibig mo kung ayaw mong halikan kita." Sabi nito nang nakatingin sa labi ko.Mabilis kong tinakpan ang bibig ko.
"Hahahaha! "Tinawanan niya ako nang makita niya yung reaksyon ko.Pinanlakihan ko sya ng makita.
Umupo sya sa tabi ko hawak hawak ang tyan niya.Tawa parin sya ng tawa.
Sa inis ko akmang babatukan ko sya ng mahuli nya ang kamay ko.Naging seryoso yung mukha niya.Hahatakin ko na sana yung kamay ko na hawak niya ng biglang hilahin niya ako palapit sa kanya.Napayakap ako sa kanya.Naramdaman kong pumulupot sakin ang mga braso niya.Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
Bumilis ang tibok ng puso.Sobrang bilis.Para akong na-freeze sa pwesto ko.Hindi ako makagalaw.
"Huwag mo na ulit gagawin yun.Baka sa susunod hindi ako makapagpigil."Sabi nito bago mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
Kasabay ng paghigpit ng yakap ay ang pagwawala ng puso ko at mga alaga ko sa tyan ko.Meron akong alaga sa tyan?
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...