Chapter 25

3.5K 78 0
                                    

Chapter 25

Nagising ako ng maramdaman kong may nakapatong sa leeg ko.Hindi ako makahinga ang bigat. Nagulat ako sa nakita ko ng dumilat ako.

"Aaaaahhh!" Sigaw ko.Tumayo ako sa higaan hatak hatak ang kumot.

Takte paanong magkatabi kami ni Sean sa higaan? Oo, magkatabi kami at hindi lang yun yakap yakap niya ako.

"Tss..Ang ingay." Naalimpungatang sabi niya.

"Bakit nandito ka sa kwarto ko? Bakit magkatabi tayo?" Tanong ng nanlalaki ang mata.Nakita kong ngumisi sya.What the!

"Kwarto mo? Tss...Sigurado ka kwarto mo ang pinasukan mo kagabi?"Sarkastikong sabi niya.

Nilibot ko ang paningin ko at nalaman kong wala ako sa kwarto ko.Argh! Hindi ko na napansin ang pinasukan kong kwarto dahil pagod na talaga ako kagabi.

"Kahit na.Bakit hindi mo ako ginising kagabi? O kaya ilipat mo ako sa kwarto ko?"Sabi ko pa.

"You're expecting me na gisingin ka.E pagkahiga mo humilik ka kaagad.And ilipat ka sa kwarto mo? Are kidding me? Ang bigat mo kaya." Sabi niya ng nakangiti.Umupo sya sa higaan.Sa totoo lang nababanas na ako sa kakangisi niya e, naiinsulto akong ewan.Grr! Sarap nya sapakin.

"Argh!"Binato ko sa kanya yung kumot at tumalikod na.Tumawa lang sya.Lumabas kaagad ako.

Nag-aalmusal kami ngayon.Pero hindi lang basta almusal ang ginagawa namin dahil tinitignan ko sya ng masama habang sya nakangiting aso.Anong nangyayari sa lalaking ito? Dati galit na galit sya sakin tapos ngayon ngiti sya ng ngiti saking parang aso?

"Argh! Kapag hindi ka talaga tumigil sa kakangiti dyan, isusungalngal ko sayo lahat ng hotdog dito." Banta ko.Geez! Iniinis niya talaga ako. Paano imbis na tumigil e lalo pang ngumiti ang mongoloid.

"Bakit masama na bang ngumiti ngayon? Hmm..." Tumingin sya sakin sabay kindat.

Akmang babatuhin ko na sya ng hawak kong kutsara ng mapadako ang mata ko sa labi nyang kulay pink.Napalunok ako.Nag-slow mo bigla sa paningin ko ang pagkain niya ng hotdog.Pinagmasdan ko syang ngumuya hanggang sa lumunok na sya.Napalunok din ako ng wala sa oras.Takte! Ang sexy niya  sumubo, ngumuya at lumunok. Nanunuyo lalamunan ko.

"Baka ma-inlove ka sakin nyan." Sabi niya.Sumilay na naman ang pamilyar na ngiti sa labi niya.Nag-iwas ako ng tingin.

"Hi-hindi ah! Kapal!" Takte! Bakit ako nauutal.

"Tss... Mali. Baka mas lalong ma-inlove ka sakin nyan." Iiling-iling na sabi niya.Napahinto ako.Naramdaman ko na naman ang pamilyar na pagbilis ng tibok ng puso ko.

No! Hindi pwede!

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon