Chapter 28

3.4K 68 0
                                    

Chapter 28

Sa totoo lang hindi ako nakatulog kagabi kaya nag-impake nalang ako.Hindi ko alam kung ano ang dadalhin dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

"Nay, tita, alis na po kami." Paalam ko.

"Mag-iingat kayo."

Humalik si Sean Kay tita Claire at nagmano sya kay nanay bago kami sumakay sa kotse niya.

Dumiretso kami sa bahay ni Roland. Pagkababa namin ay nakita ko na silang naglalagay ng mga gamit sa likod ng Van.

"Sean,Mandi nandito na pala kayo." Ani ni Erick ng makita kami.

Nahugot ko ang paghinga ko pagkaharap lalaking naglalagay ng gamit sa van.Si Dave.Kasama ba sya? Nakaramdam ako ng pangongonsensya dahil ilang linggo ko syang nakalimutan.

Nginitian niya ako ng matamis na sinuklian ko ng alanganing ngiti.

Nagulat ako ng biglang may humapit sakin.Napatingin ako kay Sean. Diretso ang tingin niya.

"Tulungan mo kong ilipat ang mga gamit natin sa van." Sabi niya at kinaladkad na ako papunta sa kotse.

Pero bago ako magpatianod ay nahagip ng mga mata ko si Thea.Sya ang unang nag-iwas.

Buong byahe ay tanging ang pagkanta lang ni Roland, Bea at Diana ang maririnig.Si Erick ang nagmamaneho katabi si Diana sa likod nila si Roland at Bea.Sa Sa gitna nakaupo si Thea at Lester. Magkatabi sa likod nila si Dave at Sean.Sa dulo ako katabi ang mga pagkain.

Dun ko napiling umupo kaysa sa mamili sa kanilang dalawa.Kanina kasi bago kami makaalis inaya ako ni Dave tabi daw kami pero hindi pa ako nakakasagot ng hatakin nya ako palapit sa kanya.

"Sa akin sya tatabi." Sabi ni Sean.Tinignan niya ng masama si Dave kaya sabi ko nalang...

"Sa pagkain ako tatabi." Yun at pumasok na ako.

Sa Dhakak  Resort island kami nakarating. Ang ganda sa totoo lang kaso pagod na ako sa byahe kaya medyo hilo na ako.Pagkasabi na pagkasabi  nga ng cottage namin pumasok kaagad ako at nahiga.Pagkapikit ko hinatak kaagad ako ng antok.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon