Chapter 35
Hinubad niya ang damit niya at isinuod saakin ito.
"Hoy! Sean ano na namang ginawa mo kay Mandi huh?" Bungad samin nila Diana pagkabukas ng pinto. Hindi sya sumagot.Tuloy lang sya sa paglalakad habang yakap ako sa gilid.
Pagkasakay namin mabilis nyang pinaandar ang sasakyan.Huminto sya ng nasa na bahay kami.Napatingin ako sa kanya ng Hindi pa kami bumaba. Napatingin ako sa kanya ng gampasin niya ng malakas ang manibela.
"Argh!" Napahawak sya sa buhok niya ng mahigpit.Frustrated sya.
Ewan ko ba sa sarili ko, imbis na matakot ako sa kanya dahil sa ginawa ko kanina e niyakap ko pa sya.Naramdaman ko din na niyakap niya ako.
"I'm sorry." Malumanay nyang sabi.Napahagulgol na naman ako.
Lumayo ako sa kanya tapos ay pinaghahampas ko sya sa dibdib.
"N-nakaka inis ka * hik * lagi m-mo na lang ako *sniff* pi-pinapaiyak..."
"Hush babe, I'm sorry. Please stop crying." Pag-aalo niya sakin.
Hinuli niya ang mga kamay at iniyakap sa kanya.
Humiwalay na sya sakin at bumaba sa sasakyan.Pinagbuksan niya ako tyaka niya hinawakan ang kamay ko papasok.
"Oh ! Nandito na pal—"
Nagulat ako ng lagpasan namin ni Sean si tita Claire at nanay.
Dire diretso kami papasok sa kwarto niya.Humiga sya, at napahiga rin ako dahil hawak niya ang kamay ko.Magkaharap kami habang nakahiga.Nagkatitigan kami sandali.Nalilito na ako.Ano ba talaga meron kami? Meron nga ba kami? O umaasa lang ako ngayon sa wala?
Nilagay nya ang palad nya sa pisngi ko at pinunasan niya ang mga luha ko.Napapikit ako sa ginawa niya .Inilapit niya ako sa kanya at tyaka ako niyakap.
"Ganito muna tayo." Tumango lang ako bilang sagot.
Ninamnam ko ang sandaling nakayakap kami sa isa't isa kahit hindi ako sure kung ano ang ibig sabihin nito.Hindi! Hindi ko muna iisipin ang kung ano, basta mahal ko sya.Kahit yun lang ang panghawakan ko.
Napangiti ako ng maramdaman ang paghigpit niya sa yakap.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...