Chapter 33
Isang linggo na ang nakakalipas ng umuwi kami at hanggang ngayon hindi parin kami nagpapansinan.Napapansin na iyon nina nanay at tita Claire pero hindi na nila kami pinapakialaman.
Ilang araw nalang pasko na.Kasama ko ngayon si Dave sa Noel Bazaar para mamili ng pangregalo at mga bagong damit.Lagi ng nasa tabi ko si Dave simula ng umuwi kami.Wala naman siyang tinatanong tungkol sa kung ano kami ngayon dahil masaya ako ng maging kaibigan sya, mas gusto ko munang ganun kami.
Inihatid din kaagad ako ni Dave pagkatapos naming mamili.Gabi narin kasi.
Pagkababa ko ng sasakyan ay nakita ko si tita Claire sa pinto na tila may inaabangan.
"Oh nakauwi ka na pala Mandi." Bungad sakin ni tita Claire at muling inikot ang tingin sa paligid.
"May hinihintay po ba kayo tita?"
"Hindi pa kasi umuuwi si Sean simula kaninang umaga e."
"Baka po nasa bahay lang ng mga kaibigan niya.Halika na po pumasok na tayo, dun nalang po natin sya hintayin."
Alas-dyes na ng gabi pero hindi parin umuwi si Sean. Pinatulog ko na si tita at sinabi kong ako nalang maghihintay sa anak niya.
Alas-onse treinta na hindi parin umuuwi ang loko.Habang naghihintay ako hindi ko maiwasang maisip na magkasama kaya sina ni Thea. Nagkabalikan na ba sila?
Napailing ako.Malamang nagkabalikan na sila.At dapat hindi ko iniisip iyon dahil sinasaktan ko lang ang sarili ko.
Hindi malayong magkabalikan sila.Alam kong mahal parin nila ang isat-isa.Tsk... Kung hindi naman kasi ako umepal hindi naman sila magkajahiwalay e.
Natigil ako sa pag-iisip at napatayo ng bumukas ang pinto.Pumasok si Sean.Tinignan niya ako kaya tumalikod na ako at naglakad na ako papunta sa kwarto ko.
"Buti naman umuwi ka na.Sa wakas makakatulog na ako."
"Hinintay mo ko?" Hindi ako sumagot.
Nahinto ako sa paglalakad ng hawakan niya ako sa braso.Hinarap niya ako sa kanya.
"Ano ba?!"
"Bakit mo ba ako iniiwasan?" Inis na sabi nya
"Wala ka na dun."walang emosyong sabi ko.
"Huwag ka ng lalapit sa Dave na iyon." Maotoridad nyang sabi.
"Pwede ba huwag mo ako utusan."
"Kapag sinabi ko sundin mo."
"Wala kang karapatang utusan ako na palayuin— aray! Ano ba, nasasaktan ako." Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"May karapatan na ako sa iyo.Simula ng lumapit ka sakin pagmamay-ari na kita."
"Pwede ba hindi ako bagay.Kaya huwag mo ko ariin.At isa pa—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa ginawa niya.Isinandal nya ako tyaka niya inangkin ang labi ko.Nanlaki ang mata ko samantalang sya dahan-dahang pinipikit ang mga mata nya.Napapikit nalang din ako.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...