Chapter 32
"Aaaaaaaahh!" Nang makalayo ako ay sumigaw ako sa tapat ng dagat.Sige lang sa pagtulo ang luha ko.
"Bakit?*hik* B-bakit hindi mo ko... kayang mahalin?" Itinakip ko sa mukha ko mga palad ko.
Nanginginig ang buong katawan ko.
Naramdaman ko ng mula sa likod ko ay may yumakap sakin.
"Sige lang, iiyak mo yan.Nandito ako." Maamong ani ni Dave.
Napahagulgol ako.
"Ang sa-sakit *hik* a-ang s-sakit sakit na e..."
Magdamag lang akong umiyak hanggang sa mapagod ako.Nakayakap parin sakin si Dave at hinayaan ko lang sya.Pinagmasdan ko lang ang paghampas ng tubig hanggang sa napagdesisyunan na ni Dave na ihatid ako sa cottage ko.
"Salamat Dave." Yumakap pa uli ako sa kanya bago ako pumasok sa loob.
Kinabukasan lahat sila alalang alala sakin.Sinabi ko namang wala lang iyon at okey lang ako.Alam kong hindi sila kumbinsido sa sagot ko dahil halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko sa sobrang paga.Wala naman ng nagtanong pa.
Simula din ng araw na iyon ay sige na ang pag-iwas ko kay Sean. Sa tuwing magkakasalubong kami ay umiiwas na kaagad ako.Hanggang sa uuwi na kami ay kay Dave na ako sumabay.Pinilit pa ako ni Sean na sa kanya sumabay pero nagmatigas ako kaya wala syang nagawa sa huli.
Pero bago kami umuwi ay lumapit ako kay Thea.
...
Nang makita kong magisa si Thea sa may seaside ay lumapit ako sa kanya.Nang makita niya ako ay tumayo siya.Nagtitigan lang kami.Nauuna syang nag-iwas.Tumalikod sya at lumakad na.Pero bago pa sya makalayo ay hinabol ko sya at niyakap.
"Sorry. Mapatawad mo sana ako Thea." Bukal sa loob kong sabi.
Wala syang sinabi.May naramdaman akong tumulong tubig sa kamay ko bago niya dahan-dahan tanggalin ang kamay ko.
Nahihirapan siguro siyang mapatawad ako.
...
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...