Chapter 14

3.4K 79 1
                                    

Chapter 14

Pag-iyak.Yan lang ang tanging nagagawa ko sa tuwing tinutulak ako ni Sean palayo sa kanya.Araw-araw sa tuwing pumapasok ako sa kwarto niya para kausapin siya ay ramdam ko kung gaano niya ako kaayaw lumapit sa kanya.

Sakit.Yan lagi ang nararamdam ko sa tuwing harap-harapan niya akong tinataboy.Parang araw-araw sinasaksak ang puso ko ng karayom.

Mahal.Oo, hindi ko akalain na mararamdaman ko sa kanya ito.Sa sandaling panahong iyon ito ang naging bunga. Akala ko masaya kapag nakaramdam ka na nito.Pero sa totooo lang, peste.Peste dahil hindi ko akalain na mararamdaman ko ito sa ganitong sitwasyon.Na marerealized ko na mahal ko sya ngayong nasasaktan ako.

Tanging pagpahid sa luha ko ang tangi kong nagagawa sa sarili ko.Pero sa totoo lang may kaunting saya akong nararamdaman sa puso ko.Masaya ako dahil siya ang nagturo sakin nito, na sa kanya ko naramdaman itong pagmamahal na ito.Kaya kahit tuloy lang sa pagluha ang mata ko e gumuguhit din ang matamis na ngiti sa labi ko.Mukhang baliw diba?

Ngayon ay dadalhan ko si Sean ng hapunan niya.Hindi kasi siya kumain maghapon.Alam kong ayaw niya na akong pumasok sa kwarto niya o lumapit man lang sa kanya.Pero baka kasi nagugutom na sya.Pumasok na kaagad ako.

"S-sean dinalhan kita ng makakain..." Nilapag ko yung pagkain sa tabi ng higaan niya.Nakatalukbong siya ng kumot.

"Labas." Tinanggal niya yung takip ng kumot sa mukha niya.Tinignan ko sya. Kitang-kita ko ang galit at sakit sa mga mata niya.

Biglang parang naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko.

"Labas!" Sigaw niya.Napapitkag ako sa gulat.

"A-ano sige, ka-kainin mo..." Nauutal kong sabi.Umupo sya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag ka ng papasok sa kwarto ko!" Bulyaw niya.Pinigilan ko ang muntikang pagpatak ng mga luha ko sa pamamagitan ng pagkagat ng labi.Napayuko ako at napapikit ng mariin.

"Ano di-dinadalhan lang naman kita ng-ng— "Hindi magkandaugagang paliwanag ko.

Nagulat ako ng marahas nyang hilahin ang braso ko.Napaupo ako sa higaan sa tapat niya.Masakit yung pagkakahawak niya sa mga braso ko pero hindi ininda yun.

"Huwag ka ng lalapit sakin." Mariin nyang sabi sa harap ko kasabay ng pagriin niya ng pagkakahawak sa braso ko.

Nang yumuko ako tumulo niya ang luhang kanina ko pa pinipigilan.Nag-uunahan sila sa pagtulo.

"Hindi mo ko madadala sa pag-iyak mo." Mariin parin nyang sabi.

"*Hik* Ma-mahal k-kita...*hik* Mahal kita...S-sean *hik*! " Hirap kong sabi.Sininok na ako sa paghikbi ko.

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun.Napaamin ako ng wala sa oras.Pero pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil nasabi ko rin.

Marahas nya akong binitawan.Napatingin ako sa kanya.Nag-iwas sya ng tingin.

"Lumabas ka na." Malamig nyang sabi.

Parang may tumusok uli sa dibdib ko.Ang sakit lang.Pagkatapos kong aminin sa kanya na mahal ko sya tapos parang wala lang sa kanya.

Pinunasan ko yung luha ko.Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Sean mahal kita*hik*! " Pag-uulit ko.

Tinanggal niya yung pagkakayakap ko sa kanya.Hinawakan niya ako sa braso.

"Si Thea ang mahal ko."

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon