Chapter 7

3.8K 91 1
                                    

Chapter 7

"Hon I'm home." Bulaslas ni Thea pagkapasok.Feel at home lang ah!

Napatingin ako sa kanila.Nagkiss sila, buti naman at smack lang.

"May dala ako para sayo hon."Pinakita nito ang dalang paper bag.

"What's that?" Inilabas ni Sean ang laman nun.Ano yun?

"Tamang tama naghahanda na ako ng hapunan." Sabi ni Sean.Anong ako? Kami kaya ang naghahanda.

Ulam siguro ang laman nung baunan.Nakita kong ngumiti ng matamis si Thea.At nainis ako sa totoo lang.Napairap nalang ako at pumasok na lang uli sa kusina.

Pumasok silang sabay sa kusina.Nakita ko sa sulok ng mata kong nakaakbay si Sean kay Thea.Tsk...

Habang kumakain ako hindi ko maiwasang mapatingin sa kanila.Sinusubuan ni Thea si Sean.Para silang tangang ngitian ng ngitian.Kakairita.

Napatingin si Sean sakin kaya nagkatitigan kami.Sa tuwing nalilingat si Thea ay binabalik niya ang tingin niya sakin.Iniirapan ko lang siya.

"Masarap ba hon?" Tanong ni Thea.

"Uh- yeah!" Sagot ni Sean.Nag-ngitian uli sila.

Nang tumingin uli sakin si Sean tinaasan ko sya ng kilay.Ngumiti siya ng nakakaloko.

Nang matapos kaming kumain, pumunta na sa sala yung dalawa.Samantalang naghuhugas naman ako ng pinagkainan.

Napalingon ano ng makarinig ako ng yabag.Nakita kong nakasandal si Sean pader habang nasa bulsa ang mga kamay nito.

"Ano kailangan mo?" Pinunasan ko na yung mga hinugasan mo.Hindi ako sinagot nito.

"Tulog na ba si Thea?" Tanong niya pa.

"Hindi pa." Aba! Sumagot.

"Nasan siya?"

"Sa sala."

Lumapit ako sa kanya.

"Good night." Pagkasabi ko nun nginitian ko siya.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon