Chapter 22

3.4K 77 0
                                    

Chapter 22

"Hindi sya sasama sayo Dave."Napalapit ako kay Sean.

Anong sinasabi mo dyan Sean?Hindi ko sinabing hindi ako sasama at tyaka pinayagan na ako ni nanay at tita Claire."Hinarap ko sya.

"Hindi ako pumapayag." Sabi pa nya.Nagsukatan kami ng tingin.Aba't !

"Hindi ko kailangan ng opinyon mo." Matigas kong sabi.Nagtitigan kami ng matalim.

"Pagsinabi kong hindi ka sasama hindi ka sasama."Mando niya.

Tumayo ako.Akala niya susundin ko sya.Neknek niya.Hinatak ko na yung maleta at si Dave.

"Halika na Dave baka mahuli pa tayo sa bus."

Nasa tapat na kami ng pinto ng magkasalita sya.

"Mandi magsisisi ka kapag sumama ka." Banta niya.Hindi ko na sya pinansin at lumabas na kami.

Nasa bus na kami.Tahimik kami simula kanina pa.

"Magkakilala kayo ni Sean?" Basag ko sa katahimikan.

"Uh! Oo.Naging kainuman ko sya minsan kayla Roland."Tumahimik na uli ako.Wala na ako masabi e.

"Uhm! Bakit sa iisang bahay kayo nakatira? I mean—"

"Kinupkop kami ng nanay ko ni tita Claire. Ang mama niya." Sagot ko.

Pagkarating namin sa bahay ng lola niya sinalubong kami ng mga magulang at kamag-anak niya.Winelcome nila ako sa pamilya nila.Nakipagkulitan kami ni Dave sa lola at mga pinsan niya.Ang saya ng pamilya niya.Lahat sila nakangiti.Bigla tuloy akong nalungkot.Si nanay lang ang kinilala kong kamag-anak at magulang simula ng nabuhay ako.Wala akong kinilalang ama o lola,lolo.Si nanay lang.Pero kahit ganoon nagpapasalamat parin ako sa Diyos dahil nakilala ko si tita Claire at Sean.

Kwentuhan at kainan lang magdamag ang ginawa namin.Sige nga ang asar samin ni Dave ng mga pinsan niya, bagay daw kami.Yumuko lang si Dave at sinasaway ang mga pinsan niya.Samantalang ngumingiti nalang ako.Ramdam na ramdam ko ang malugod na pagtanggap ng buong pamilya niya sakin.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon