Chapter 26

3.6K 74 1
                                    

Chapter 26

Pagkatapos namin kanina mag-almusal umalis si Sean.Hindi ko nga alam kung saan ang punta niya.Hindi na ako nagtanong kasi wala akong pakialam sa kanya.Akala ko nakipagkita sya kay Thea.Pero nagulat ako ng umuwi syang maraming dalang plastik.Namili pala sya dahil naubusan na ng stocks.

Si tita Claire naman bukas pa ng tanghali ang uwi nila ni nanay dahil may inaasikaso daw sila. Napapansin ko napapadalas ang alis nila.Ano naman kaya pinagkakaabalahan nila?

Nandito ako ngayon sa sala nanonood.Buti nalang hindi ako kinulit maghapon nung kasama kong Mongoloid. Kakatapos lang namin maghapunan.

Nitong mga nakaraang araw lagi na akong sobrang gabi matulog.Buti nalang at bakasyon na.Katulad ngayon tapos na naman ang pinapanood ko pero hindi pa ako inaantok.Balita na ang palabas kaya pinatay ko na ang tv.Para akong kwago dahil dilat na dilat ang mga mata ko.

Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng gatas.Nagulat ako ng makita ko si Sean na nakaupo.

"Gising ka pa?" Sabi ko. Umupo ako sa harap niya.

"Uh yeah! Hindi ako makatulog." Sabi niya sabay tungga ng San-mig na nasa lata.Alak?

Napatingin ako dun.Don't tell me kasama yun sa pinamili niya.

"Gusto mo?"

"Huh?" Napatingin ako sa kanya.

"Gusto mo? Com'on pampatulog lang." Inaalok niya ako?

Tumayo sya at binuksan ang pridyider.Naglabas pa sya limang lata ng San-mig.

Wala naman sigurong masama kung uminom ako misan, diba?Pampatulog lang naman.

Uminom ako ng isa.Nung una ang paet sa panlasa ko pero kalaunan nasanay na ang dila ko.Sa kadesperadahan kong makatulog uminom pa ako ng isa hanggang sa hindi ko na namalayan kung nakailan na ako.

Tawa ako ng tawa na parang baliw.Medyo nahihilo narin ako.Epekto siguro ng alak.

"Hahahaha! Ang *hik* pangit mo Shean."Sabi ko sabay tawa.

"Tss..Lasing ka na.Tama na yan." Inagaw niya sakin young latang hawak ko.Tumayo na sya at inilalayan ako.

"Inom pa tayo."

"Tama na."Inaalalayan parin niya ako.Medyo gegewang-gewang pa kami kaya ayun, tumba kami.Nasa taas niya ako.Pinagmasdan ko ang gwapo nyang mukha tyaka ngumiti.

"Shinayang mo ang*hik* love ko shayu *hik *!" Naka-nguso kong sabi.

"Don't pout." Sabi niya.

"Hmp! Paki mo.Ayaw mo shakin diba *hik *!" Sabi ko pa.Hindi naman sya sumagot.

"Gara mo love kita *hik* pero *hik* shinaktan mo lang *hik* ako.Bad!" Sabi ko pa.Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sakin.

"I'm sorry." Sinsero nyang sabi.

"Ayoko ng shorry *hik gushto ko love.Love me." Sabi ko.

"I'll try.Just give me a time." Rinig kong sabi niya bago ako pumikit.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon