Chapter 11
Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng umuwi sina tita Claire at nanay galing sa probinsya.Ang dami nga nilang dalang mais,kamote,gabi,saging at hilaw na mangga.At alam nyo bang nagpaligsahan kami ng paramihan ng makakain.At nagsisisi ako dahil todo iri ako sa paglabas ng matigas kong dumi.At sa tuwing paglabas ko ng banyo e nakikita ko si Sean na walang habas na humahalakhak.
Hindi nga pala nahuli ni Tita Claire si Thea dito sa bahay.Ewan ko ba kung matutuwa ako dahil atleast Hindi ako lagut kay tita o manghihinayang dahil sayang at hindi niya nakita ito.Naguguluhan na ako sa sarili ko.
May pupuntahan nga pala kaming birthday party ng kaibigan ni tita Claire.Simpleng black tube lang na hanggang tuhod lang ang suot ko tapos flat jelly shoes.Nakalugay yung lang yung buhok ko.
Tapos na akong magbihis kaya lumabas na ako ng kwarto.
"Wow! Beautiful." Bulaslas ni tita Claire pagkakita sakin.Yumakap si tita sakin.
"Ang ganda mo anak." Puri ni nanay.Ngumiti ako at niyakap din sya.
"Salamat po." Nahihiyang sabi ko.
Hinanap ng mata ko si Sean.Nahuli ko syang nakatingin sakin.Ang gwapo niya sa suot ng long sleeve na polo at black pants.
Hinila ako ni tita palapit kay Sean at pinagdikit.
"Look Mirna bagay si Mandi at ang anak ko oh!" Mungkahi ni tita.Ngumiti si nanay bilang pagsang-ayon.
"Wait lang kayong dalawa dyan at kukunin lang namin ni Mirna ang kamera." Pagkasabi nun ni tita dali dali silang pumasok sa kwarto.
"Simple but beautiful." Bigla sambit ni Sean.Napayuko ako nang mag-init ang mukha ko.Pinuri niya ako? Kinikilig ako ng dahil sa sinabi niya.Parang tanga lang.
Itinaas ni Sean ang mukha ko paharap sa kanya.Nagtaka naman ako.Pero ilang sandali lang hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya.
Pagkatapos nyang halikan ang kamay ko nginitian niya ako.Gusto kong tumili sa ginawa niya.My god! Gusto kumawala ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...