Chapter 19

3.3K 76 0
                                    

Chapter 19

Napahigpit ang pagkakayakap ko kay Dave.Hindi maalis sa isip ko yung boses nyang nagsusumamo.Ang boses niya na nagsabing si Thea ang mahal niya.

Buti nalang si Dave ang nakakita sakin kagabi.Pagkatapos kasi nung sinabi niya tumakbo na ako dahil hindi ko na kinaya.Nabunggo ko sya at nagpapasalamat akong sya ang nakabundol sakin.Nalaman ko na kapit bahay niya lang si Roland.Siya ang naghatid sakin kagabi.

Tumahan na ako.Wala na kasi akong mailuluha.Siguro Hindi lang mga mata ko ang namamaga kundi buong mukha ko na.Humiwalay na ako.Nakarandam ako ng uhaw.

"Hahahaha!" Napakunot noo ako ng tumawa si Dave.

"Ano nakakatawa?" Pagtataray ko.

"Hahahaha! Ang cute mo!" Tumatawa nyang sabi.Nagulat ako ng kurutin niya ang pisngi ko.

"Cute!" Ngumiti sya.Namula ako.Ano kayang itsura ko? Geez!

Tumakbo ako papasok sa bahay at humarap sa salamin.Hwuuaahh! Ang pangit ko na! Namamaga buong mukha ko at namumula ang ilong ko.Ang taba ng mukha ko!

"Cute!" Nagulat ako ng nasa likod ko na si Dave.

"Mandi gusto mo sumama sakin?" Napaharap ako sa kanya.

"Saan?"

"Sa bahay ni lola.Gusto nyang bisitahin ko sya e.Pero dapat ko daw isama ang babaeng mahal ko." Kumakamot sa ulo nyang sabi.

Napahinto ako ng marealized ko yung sinabi niya.Babaeng mahal niya? Ibig sabihin...

"Pero kung ayaw mo okey lang naman.Magpapaliwanag nal—"

"Pag-iisipan ko." Napatingin sya sakin

"Huh?" Ngumiti ako.

"Pag-iisipan ko.Kelan ba?"

Lumapit sya sakin at niyakap ako.Nagulat ako.

"Sa makalawa.Salamat Mandi."

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon