Chapter 3
Mag-iisang buwan nang hindi lumalabas ng bahay si Sean sa umaga.Oo, dahil tuwing alas-dose lumalayas ito ng bahay at alas-singko ng umaga umuuwi.Hindi alam ni Tita Claire yun.Akala nga niya nag-break na ito at si Thea, pero sa tingin ko ay tuwing gabing umaalis ito sila nagkikita ng kasintahan niya.
Lagi kong dinadala sa kwarto nito ang almusal, tanghalian, meryanda at hapunan nito.At kinakain naman nito dahil sa tuwing binabalikhan ko e ubos naman, simot nga e.Lagi kong natyetyempohang tulog.
Lumabas ako ng kwarto namin ni nanay. Hindi ako makatulog.Dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ng gatas.Umupo muna ako sa sala.
Napatayo ako ng bumukas ang pinto.Pumasok na si Sean.Halatang nagulat ito ng makita ako.Ala-una pa lang ah!? Ang aga niya ata?
"Bakit gising ka pa?"kaswal nitong tanong.
"Hindi ako makatulog e." Sagot ko.Dumiretso na ito sa kwarto niya.Pero Hindi pa sya nakakapasok ng magsalita ako.
"Siguro nakikipagkita ka kay Thea tuwing gabi no." Hala! Bakit ko sinabi yun? Tumingin ito ng masama sakin.Patay!
"Paki mo?"sabi nito.
"Akala mo ba Hindi mo ba hindi ko alam na tuwing gabi umaalis ka."tuloy ko.Sasagarin ko na.Dali-dali itong lumapit sakin at hinawakan ang magkabilaang balikat ko ng mahigpit.
"A-aray! Ano ba? Masakit!" Inda ko.
"Wala kang pakialam sa ginagawa ko." Madiing sambit nito.
Naamoy ko ang alak sa mainit na hininga nito at namumula rin ang mukha nito.Nakainom ito malamang.
Nagulat ako ng kaladkarin niya ako papasok ng kwarto niya.
"Bitawan mo nga ako!"Pagpupumiglas ko.
Imbis na bitawan ay itinulak niya ako tyaka sinara ang pinto ng pabagsak.Natakot ako ng tignan niya ako ng masama habang palapit sakin.
"Anong gagawin mo?"Tanong ko.
Pero imbis sagutan niya ako e kinabig niya ng marahas ang labi ko.Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.Parang gusto niya ako kainin sa ginagawa nyang paghalik.
"Kiss me back." Sambit niya bago niya kinagat ang labi ko na parang nanggigigil.
"Hmp! A-no hmp!"pagpupumiglas ko.Nasasaktan ako sa ginagawa niya.Tinulak ko sya.At nang makawala ako sa kanya sinampal ko sya.
Napahinto ito at napahawak sa pisngi niya.Nasampal ko si Sean.Dali-dali akong bumalik sa kwarto namin.
Bago ako matulog naramdaman kong may luhang bumagsak sa mata ko.Yakap-yakap ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...