Chapter 17
Lumuluha na naman ang mga pesteng mata ko.Magang-maga na ang mata ko kakaiyak magdamag.Halos hindi na ako makahinga ng maayos.Sobrang sakit na.Ni hindi ko na nga nagawang makatulog kagabi e.Sobrang bigat na ng dibdib ko sa sakit.Naiinis na ako sa sarili ko.
Buti nalang talaga at ako lang ang nandito sa bahay mag-isa.Umalis kasi si tita Claire kasama si nanay. Si Sean hindi umuwi kagabi.Malamang at magkasama na sila ni Thea.
Ito lang ang kaya kong gawin.Ang umiyak sa sulok habang yakap ang sarili kong mga tuhod.Paulit-uli sa isip ko mga nangyari kagabi.
"Mandi?" Napataas ang ulo ko ng may kumatok.
Pagkabukas na pqgkabukas ko sinunggaban ko kaagad ng mahigpit na yakap si Dave.Humagulgol na naman ako.
"Sshh! Umiiyak ka na naman." Pagpapatahan niya sakin.Hinaplos haplos niya ang buhok ko.
"Ang boring ng bakasyon ko *hik*!" Nasabi ko nalang tyaka humagulgol ng malakas.Tumawa lang si Dave.
Kagabi buti nalang at nakita nya ako.Kundi baka mas nasaktan pa ako lalo.Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
...
Nang magpaalam si Thea na magsi-cr sya ay maya-maya nagpaalam din ako.Gusto ko syang kausapin at komprontahin.Nalaman kong matagal na palang nanliligaw si Lester sa kanya.So ibig sabihin niloloko niya si Sean matagal na.
Hinintay ko sya hanggang sa lumabas sya ng cr.
"Uh Thea—"
"Hindi ko inaasahang makikita ko kayo ditong magkasama.Tsk! Sabi ko na nga ba. Alam kong matagal mo ng gustong agawin si Sean sakin.Sa ilang araw na nakasama kita akala mo ba hindi ko mapapansin ang pagpapapansin mo sa kanya."Sambit niya. Yumuko ako.Nahihiya ako kay Thea.
"Pero ito ang tatandaan mo. Kahit ilang beses ka pang magpapansin sa kanya ako at ako parin ang mamahalin niya."Patuloy niya.Tama sya dahil base sa pagtitig sa kanya ni Sean kanina alam ko na gusto nyang bumalik sa kanya si Thea.
Nagulat ako ng dumapo ang palad niya sa pisngi ko.Malakas ang sampal niya, at masakit.Napahawak ako pisngi ko.
"Para yan sa pang-aagaw mo." Pagkatapos nyang sabihin yun sinampal uli niya ako.
"Malandi ka." At isang sampal muli.
At isa pang sampal muli sa pingi.Ah! Pang-ilan na yun? Ang sakit na ng mukha ko.Nainis na ako.Sobra naman ata ang sampal niya.
"Ito ang sasabihin ko sayo hinding- hindi ka niya mamahalin,Desperada."Madiin nyang bulong sakin.Tapos ngumiti sya.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...