Chapter 24
Naramdaman ko lang ang pagod ng umupo na ako sa sofa.Pumikit ako.Grabe layo ng binyahe namin.Nararamdaman ko nang maka-katulog na ako ng...
"Magluto ka na ng ulam.Nagugutom na ako." Biglang sabi ni Sean.Napadilat kaagad ako at napatingin sa kanya.Nasa kabilang sofa siya.
"Wala sila mama kasama si nanay sa business trip sa Samar." Sabi pa niya.Napataas ang kilay ko.Pagod ako pagod!
"Pagod ako diba? Kung nagugutom ka magluto ka mag-isa mo.Hindi naman ako nagugut—"
~kruu~ !
Lintek na tyan pahamak.Nilaglag kaagad ako.Umiling na naman si Sean.Kanina pa sya iling ng iling ah?
"Tyan mo na nagsabi."Tumayo na siya at pumasok sa kwarto.Pero bago sya pumasok nakita ko ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
"Geez!" Wala na akong nagawa dahil nagugutom narin na ako.Gusto ko syang sabunutan kaso wala na akong lakas, pagod na talaga ako.
Nagsaing na ako at nagprito ng frozen bacon na nakuha ko sa pridyider.May nakita akong pakbet sa kaldero kaya ininit ko.Nagluto siguro si tita bago umalis.Paborito kasi ito ng suwail nyang anak.Speaking of the devil! Saktong pagkatapos ko sa paghahanda nang pumasok sya sa kusina.
Tahimik lang kaming kumain.Napatingin ako sa kanya.Paano kasi sunod sunod ang subo niya, parang hindi pinakain ng isang buwan.Grabe walang hintuan.
"Baka naman matunaw ako nyan." Nataranta kong iniwas ang paningin ko.Shocks! Kahiya ka Mandi!
Sinilip ko uli sya.Nakita ko ang nakakalokong ngiti niya.Tss... Hangin ah! Inirapan ko sya ng mapatingin sya sakin.
At nakakainis talaga siya pagkatapos naming kumain.
"Hoy! Maghugas ka." Sabi ko pagkatayo niya.
"Nakita mo ba akong naghugas kahit kailan." Inilapit niya ang mukha niya sakin.
"Huwag mo sabihing ako parin paghuhugasin mo? Ako na nga nagluto ng kinain natin. Mahiya ka naman." Mataray kong sabi.
"Trabaho mo yun." Tipid nyang sabi tyaka ngumiti.Pagkatapos umalis na kaagad sya.Kaya ang ending... Hwwuuaahh! Pagod na talaga ako!
Habang naghuhugas ako sige ang bulong ko ng' Hayop kang Sean ka, Hayop!' Nag-unat ako pagkatapos.Aahh! Sakit ng katawan ko.Makakapagpahinga narin ako sa wakas!
Dumiretso kaagad ako papuntang kwarto.Bubuksan ko palang ang pinto ng kwarto nang...
"Sabi ko sayo pagsisisihan mong sumama ka sa kanya."Bulong niya.Nagtindigan lahat ang balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.
"Goodnight sweetheart."Tuluyan akong nanlamig sa kinatatayuan ko ng dumampi ang labi niya sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
A Way To Be Love
Short StoryPrologue "Ilayo mo si Sean kay Thea.Agawin mo.Akitin mo kung kailangan." Ayan ang pinagagawa ni tita Claire bilang kapalit ng pagpapatira niya samin ni nanay sa bahay niya.Gusto nyang paghiwalayin ko ang dalawang taong nagmamahalan.At para sakin mah...