Chapter 27

3.4K 64 0
                                    

Chapter 27

Nagising ako ng umaga na nakaunan sa braso ni Sean sa sala.Hindi ko alam kung bakit naroon kami.Pero sa totoo lang grabeng kasiyahan ang narandaman ko sa dibdib ko ng mapagtanto ko na sa bisig niya ako natulog.Kaya kahit sobrang sakit ng ulo dahil sa hang-over ay sige parin ang pagngiti maya-maya.Namula pa ako ng sabay akong tuksuhin ni nanay at tita Claire nang mahuli ako kaya grabe ang pamumula ng mukha kahapon.

At magpahanggang ngayon ay hindi parin naaalis ang ngiti sa mga labi ko.Tatlong araw na ang nakakalipas pero ito ako kinikilig parin.

Lumabas na ako ng kwarto ng magsawa ako kakahiga.Kasi naman ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto namin ni nanay para lang itago ang pagngiti ko.Baka sabihin nila nababaliw na ako e!

Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay nandon si Sean.Bilang bumilis ang tibok ng dibdib ko, naramdaman ko rin ang paghihina ng tuhod ko.Ewan ko pero simula kasi ng gumising ako hindi na kami nagkita dahil lagi nga ako maghapon sa kwarto.

"A-ano k-kailagan mo?" Nauutal kong tanong.Shocks!

Namula ako sa hindi ko pagsasalita ng maayos.Kainis! Nakakahiya! Sarap magpakain sa lupa.Gusto ko nang isara ang pinto sa totoo lang.

"Sumama ka sakin bukas.Alas-otso ng umaga dapat nakabihis ka na.Magbaon ka ng damit.Naipaalam na kita Kay mama at nanay." Sabi niya.

Napatango na lang ako bilang sagot habang nakabukas ang bibig ko.

Nasapo ko ang dibdib ko pagkasara ko ng pinto.Pakiramdam ko ngayon lang uli ako nakahinga.Dyahe!

Ng makarecover ako ay naalala ko ang nangyari kani-kanina lang.

"Aayyiiee ! Hihihi!" Halos maputol ang litid ko sa kakatili ng marealized ko ang looks ni Sean.

Ang gwapo niya kanina at ang tanga ko dahil ngayon ko lang naapreciate.

Nagpa-gupit sya.Yung uso ngayon na manok style. Yung medyo makapal sa tuktok pero pagdating sa baba at gilid ay wala.May baby mustache narin sya.Ang kilay at pilikmata ganun parin makapal.At ang labi ganun din,pink parin.

At sinabi nyang sasama ako sa kanya bukas? Aayyiiee ! Excited na ako.

A Way To Be Love  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon