Prologue
***
"Why do you have to marry her, Jaxon?"
Natigilan ako sa paglabas sa kwarto nang marinig ko ang sinabi ni Ava.
"You know why I have to do this,"
"But you don't love her!" narinig ko ang hikbi ni Ava nang sabihin iyon.
"I'm sorry, babe." narinig kong sabi ni Jaxon. I saw him hugging Ava.
Naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko nang makita iyon.
"Please, don't do this Jax. Alam kong hindi ka masaya sa piling niya. Huwag mong gawin sa sarili mo ito..."
"You know I got her pregnant. I need to take responsibility."
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sakit na nararamdaman.
Alam ko naman na umpisa pa lang kaya ako pinakikisamahan ni Jaxon ay dahil sa batang dinadala ko. Because of that one-night mistake, nagbago nang malaki ang buhay namin ni Jax. We used to be so close pero ngayon, kahit palagi ko siyang kasama, alam kong hindi na siya ang Jaxon na kilala ko.
I lost my best friend when he became the father of my child.
"You don't have to marry her, Jax. Pwede mo pa rin namang gawin ang tungkulin mo bilang ama ng dinadala niya even without marrying her."
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomanceAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...
