Chapter Twenty Six

1.3K 43 11
                                        

Chapter Twenty Six

Found









***


"What are you jealous of?" tanong ko kay Jaxon nang sabihin niyang nagseselos siya.






Hindi ko alam kung bakit siya nagseselos. Wala naman akong ginawang espesyal para kay Van na pwede niyang ikaselos.







"You gave him a portrait." sabi niya.





Nagulat ako sa sinagot niya. "What? I gave you and your cousins a portrait----"








"Even so." sabi niya na ikinailing ko.







"I gave it to him dahil kaibigan ko siya, Jaxon. Tulad kung paanong magkaibigan tayo."






Isa pa, ikaw lang naman ang palagi kong iginuguhit. Isang beses ko lang naman iginuhit si Van bakit kailangan mong magselos?







Gusto ko sanang sabihin iyon pero hindi ko na lang ginawa.






"You are always with him." sabi pa niya at parang hindi narinig ang sinabi ko.







"Is it wrong?" I asked. Noong wala naman siyang girlfriend ay palagi rin kaming magkasama.






Minsan nga ay nagi-guilty ako dahil pakiramdam ko ay ginagawa kong rebound ang pagkakaibigan namin ni Van. Minsan para lang makaiwas ako kay Jaxon ay si Van ang dahilan ko.






"Hindi. But I am your best friend, Aimi!" sagot niya na ikinabigla ko. "Alam kong hindi mo na ko tinatawagan kapag may gusto kang ikuwento dahil si Van ang palagi mong kausap. Alam kong si Van ang palagi mong gustong kasama ngayon. Iniiwasan mo ko."







Bahagya akong na-guilty. Alam kong napapansin na niya iyon. Ilang beses na ba niyang sinabi sakin na iniiwasan ko siya at ilang beses ko na rin bang itinatanggi iyon?






Umiling ako sa kanya. "Jaxon. Hindi naman sa ganoon."








Umiling siya. "Then what does it mean?" tanong niya. "I feel like he knows you better now,"






Nagkatinginan kaming dalawa dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.







Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya ko siya iniiwasan ay dahil ayoko na makagulo sa kanila ni Ava. Hahaba na naman ang usapan namin at magiging paulit-ulit na lang iyon.






"Dahil lang ba magkasama ang dalawang tao ay iyon na ang batayan na kilala na nila ng lubusan ang kasama nila?" tanong ko sa kanya.






Hindi siya sumagot. Ngumiti ako sa kanya. "Hindi dahil sa tingin mo ay close na kami ni Van ay mas kilala na niya ko. We've been together for ages. Sa tingin mo may makakapantay nun?" pabirong sabi ko sa huling mga salita.






Gusto ko rin sanang sabihin na hindi porket nagmamahalan na sila ni Ava ay kilalang-kilala na niya ito. Ayoko lang na iba ang maging dating kay Jaxon kung sinabi ko iyon.






Narinig namin ang tikhim ni Ava kaya naman nakaramdam ako ng panic. Nalimot ko na kasama nga pala namin ang girlfriend niya.







Nilakihan ko ng mata si Jaxon dahil hindi siya gumalaw o nagpatinag.






"Okay lang ba kayo?" tanong ni Ava.







One Night Mistake (Griffin Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon