Chapter Twenty Five
Jealous
***
Kinabukasan ay sumabay ako kilala Sky pumasok dahil sa kanila kami natulog. Sabay-sabay kaming nagsipasok.
"See you sa lunch girls." paalam ni Sky samin. Nagpaalam na kami ni Momo sa isa't isa dahil kailangan na naming maghiwalay.
Hindi pumasok ang prof ko sa huling subject bago ang lunch kaya maaga akong pumunta sa cafeteria para roon na hintayin ang mga Griffin.
Kinontrata na ko nila Momo na sa kanila sumabay ng lunch ngayon. Hindi ko sila kayang tanggihan kaya kahit alam kong may posibilidad na magkakaharap kami ni Ava ay pumayag ako.
Napaangat ang tingin ko nang naunang dumating si Jaxon at Ava. Nagulat ako na makitang sila iyon. Sa nakalipas na limang araw ay hindi iilang beses na sinubukan akong kausapin ni Ava kasama si Jaxon pero hindi ko sila pinagbigyan.
"Pwede ba tayong mag-usap?" si Ava, nakikiusap.
Napaangat ang tingin ko kay Jaxon. "Please?" he pleaded.
Alam kong hindi ko na rin naman maiiwasan ito. Hindi habang buhay ay maiiwasan ko silang dalawa. If Jaxon is really serious with Ava, alam kong matagal kong kailangang pakisamahan si Ava.
Maybe we should settle this issue now.
Napabuntong hininga ako at tiningnan si Ava. "Kung hihingi ka ng sorry sa nangyari ay hindi mo na kailangang gawin."
"Alam kong galit ka sakin. Pero sana bigyan mo pa ko ng isang chance. Let's be friends, Aimi. Alang-ala kay Jaxon."
Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi nagpahalata. What's her plan now? Ano naman ang pakulo niya ngayon?
"You're saying sorry?" tanong kong pinigilan ang pagiging sarcastic.
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung sincere ba siya.
"Alam ko na may mga bagay akong nasabi sa iyo na nakasakit sa iyo kaya humihingi ako ng tawad. I was just jealous."
Hindi ako makapaniwala na aaminin niya ang kasalanan niya sa harapan namin ni Jaxon. Is she for real?
"I know it is hard for you to believe me pero I realize that I want us friend rather than enemies. Alang-ala kay Jaxon." sabi niya at humigpit ang hawak sa kamay ko.
I was so surprise at what she said. She looks so sincere. O baka dahil lang nasa harapan namin si Jaxon? Whatever her plan is, sasabayan ko muna kung anong gusto niya sa ngayon.
"I told you, Ava. If you want us friends, pwede tayong maging magkaibigan."
Naramdaman ko ang kamay ni Jaxon na hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Hawak din niya ang kamay ni Ava.
"Parehas kayong mahalaga sakin. Parehas ko kayong mahal." sabi niya.
Kita ko ang paghihirap sa mga mata niya kaya naman nasaktan ang puso ko. Alam ko na ang tanging hiling lang niya sa tuwing nagkakaroon siya ng girlfriend ay maging kasundo ko ito.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomanceAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...
