Chapter Nine
Hiling
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Thank you for your support. This will be the last chapter in the past. Hope you'll enjoy our short update.]
***
Nang makarating sa kwarto ay agad kong tinext si Jaxon.
Me:
I hate you!
I took shower. Nang matapos ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang mga message ko. Van texted me na nakauwi na siya and thanked me again. Nagpasalamat din ako sa kanya at humingi ng dispensa sa ginawa ni Jaxon.
Tiningnan ko naman ang reply ni Jaxon.
Jaxon:
Tsk.
Jaxon:
Hindi ka dapat nagpagabi ng ganito na kasama siya.
Jaxon:
I never did wrong. I just want to protect you. I will not say sorry for it.
Napailing ako sa mga text niya. Hmp! Nakakainis siya!
Kinabukasan ay pinuntahan niya ko sa bahay para isabay sa pagpasok sa university. Nagkatinginan kami nang makalapit ako sa kanya na naghihintay sakin. Inabot niya sakin ang helmet kaya naman kinuha ko iyon at sinuot.
Wala kaming imikan na dalawa. "Hop in," sabi niya.
Sumakay ako sa likuran niya. Hindi ako humawak sa baywang niya kaya naman kinuha niya ang dalawang kamay ko at iniyakap niya sa baywang niya. "Baka mahulog ka, kasalanan ko pa."
Umirap ako pero niyakap pa rin siya.
"I told you I won't say sorry for last night." sabi niya habang nasa daan na kami.
"As if you will," mataray na sabi ko.
Hindi ko na alam kung bakit ako nagagalit. Hindi pa ba ko sanay sa kanya? He's been doing this for years simula nang magkaroon ako ng mga manliligaw o mga lalaking gustong maging kaibigan ko.
"I am just protecting you. I don't want you to be hurt."
"Yeah. I know." walang ganang sabi ko kahit ang totoo ay nalulungkot ako. Alam ko naman na kaya niya lang ginagawa ito ay dahil kapatid ang turing niya sakin.
Hayst! Ano bang problema ko?
Nang makarating kami sa university ay wala kaming imikan. Nauna na ko sa kanya pumasok sa classroom ko.
Jaxon:
Let's have lunch together. I still need to treat you lunch.
Nang mabasa ko ang message niya ay nakaramdam ako ng konsensiya sa puso ko. He's heartbroken nga pala.
Nang lunch na ay nakita ko si Jaxon na nasa isang table with his friends. Lumapit ako sa kanya.
"Wala kang klase?"
"Wala kaming prof," sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Nagsasabi ako ng totoo,"
Tumango ako kasi nagsabi rin ang mga kaibigan niya na wala talaga silang prof.
![](https://img.wattpad.com/cover/321437386-288-k595052.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomanceAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...