Chapter Eleven

837 43 6
                                    

Chapter Eleven

Talk











***

"Let's have dinner," sabi ni Van maya-maya. 





"Huh?" wala sa sariling tanong ko. Tiningnan ko siya. 





"Alam kong hindi ka pa nagdi-dinner. Magtataka ang mga magulang mo kapag umuwi ka sa bahay niyo nang hindi pa nagdi-dinner. I knew you told them you were with Jaxon."





Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam paano niya nalalaman ito. "Hindi ba ko nakakaistorbo sa iyo?"





"We're friends. Bakit ka naman makakaistorbo sakin? Isa pa, hindi pa ko nagdi-dinner."





Tumango ako sa kanya. "I'll treat you dinner," I told him and tried to smile para hindi siya mag-alala sakin. 




Kahit paano ay magaan ang loob ko na nandito si Van. Hindi ko alam pero kung mag-isa lang ako umuwi, I might be crying inside the taxi.




He smiled. "Next time mo na ko ilibre." sabi niya.



I pouted at him. "You are doing me a favor. Hayaan mo na kong ilibre ka." sabi ko sa kanya.




Tumawa siya. "Sige ganito na lang. Can you do me a favor?"



Nagulat ako sa tanong niya. "Favor?"



Ngumiti siya. "Wala kang pasok bukas, diba? Samahan mo ko mamili ng picks at strand ng gitara ko."




Nagulat ako sa favor na sinasabi niya. "Okay lang sa iyo na ako ang kasama mo?"



"Bakit naman hindi?"




Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Diba hanggang ngayon ay nililigawan mo pa rin siya?" I carefully asked. Until now ay wala pa rin siyang girlfriend kaya naisip ko na tuloy pa rin ang panliligaw niya.




Kita ko na may dumaang lungkot sa mga mata niya pero mabilis iyon naglaho. My heart goes to him. Alam kong parehas kami ng sitwasyon.




"Gagamitin ko iyong lakad natin bukas para pagselosin siya," nagbibirong sabi niya.




Nagulat ako sa biro niya at natawa. "Kaya mo pala ko inaaya ay dahil pagseselosin mo siya?"



Tumango siya. "Titingnan ko kung effective,"



Natawa ako sa sinabi niya. "Okay. I have no choice but to accept since ililibre mo ko ng lunch at ihahatid pauwi,"



Siya naman ang tumawa. "Thank you, Aimi." nakangiting sabi niya. "Gusto ko sana siyang ayain bukas kaso may lakad siya. Kailangan ko kasi palitan iyong strap ng gitara ko. Kailangan ko na rin pumili ng bagong picks."




Napangiti ako. "Oo nga pala. You play music. Baka may pa-sample ka sa susunod." pagbibiro ko.





Natawa siya. "Mahal ang talent fee ko,"



Napailing ako habang nangingiti. "How about lunch?"



Tumawa siya. "Deal," sabi niya. Napangiti ako. I like how he tries to lift up my mood.




"What song do you like?" tanong niya.




Nag-isip ako. I have lots of favorite songs. Ang hirap mamili.




One Night Mistake (Griffin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon