Chapter Twelve

787 46 6
                                    

Chapter Twelve

Leave






[A/N: Annyeonghaseyo guyseu. Hope you're doing well. Keep safe ngayong may bagyo. I am praying for our safety. Ingat po palagi. Hope this update will somehow ease your worries kahit ilang minuto lang. I will make it light to everyone. I love youuuuuuuu. Keep safe po ♡♡♡]





***

Nag-aayos na ko para sa lakad namin ni Van nang makatanggap ako ng tawag.



Akala ko si Van na iyon pero nakita ko ang pangalan ni Jaxon. Napakagat ako sa labi ko dahil gustong-gusto ko nang sagutin pero baka may masabi lang ako na hindi maganda kaya hindi ko sinagot.




Hinayaan ko na tumunog lang ang cellphone ko sa tawag niya. Nakatatlong tawag siya bago siya nag-text.




Jaxon:

Alam kong galit ka, Aimi. What I did were wrong and unpardonable. But please, hear me out.

Jaxon:

I'm sorry. Let's talk please. Hindi ako sanay na galit ka sakin.

Jaxon:

Aimi. Usap tayo please?





Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maaawat ang sarili ko na tiisin si Jaxon.




Siguro iniisip niyo na bakit hindi ko na lang siya kausapin para maayos namin ang problema?




Hindi kasi ganoon kadali. Jaxon forgot about me just because of his girlfriend at kung ito ang sasabihin ko sa kanya, I will sound immature.




Best friend lang ako, bakit kailangan kong magreact ng ganito? Bawal na ba kasi hindi naman ako ang girlfriend kaya okay lang na makalimutan niya at patawarin ko na lang siya agad?




Hindi lang naman si Aimi na nagmamahal sa kanya nang patago ang nasaktan sa ginawa ni Jaxon. It was Aimi his best friend na nasaktan kasi kinalimutan.




Nagtatampo lang naman ako. Ilang araw lang ay mawawala rin ito. By that time, alam ko na ulit ang lugar ko. I just need time.




"Hello, Van." nakangiting bati ni mama nang dumating na si Van sa bahay. He looks so handsome in his plain white shirt and jeans. 




"Hello, tita." maligayang bati niya kay mama. "Sunduin ko lang po sana si Aimi. Magpapasama lang po bumili ng para sa gitara ko. Baka gabihin na rin po kami. I'll treat her dinner po."





Ngumiti si mama. "Basta ba iuuwi mo ang anak ko ng ligtas, hijo."




"Mama," sabi kong nahihiya. Tumawa silang dalawa. "Makakaasa po kayo." sabi ni Van. 




Nagpaalam na kami ni Van kay mama. 



"Gusto mo ba munang kumain?" tanong ko sa kanya nang nasa daan na kami. "Alam ko kagagaling mo lang sa school."




Ngumiti siya at tumango.




We decided na kumain sa isang fast food chain. We eat pizza na lang para pwede pa kaming kumain ng dinner mamaya.




Nang matapos kumain ay nagpunta na kami ni Van sa isang store para sa mga instrument. Natuwa ako ng makita ang mga instrument. I love music pero never pa kong tumugtog. Ngayong nandito kami, parang gusto ko subukan.




One Night Mistake (Griffin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon