Chapter Twenty Three

837 47 11
                                    

Chapter Twenty Three

He's Just A Friends













[A/N: Annyeonghaseyo guyseu. Sorry ngayon lang nakapag-update si Owtor huhuhu. Sorry naging busy lang.

Thank youuuuuuuu so much for your love and support. Hope I could write everyday para hindi kayo naghihintay nang matagal huhu. I'll try to update everyday pero kung hindi po talaga kaya, every other day. But still, thank youuuuuuuu for waiting. I love youuuuuuuu, mga bb ♥

Enjoy this short update. Bawi ako next update po♡]








***


Mabuti na lang at walang pasok kinabukasan pagkatapos nang nangyaring iyon. Hindi ko alam paano haharapin si Jaxon at si Ava kapag nagkataon. Ayokong makipagplastikan sa kanilang dalawa.






Nakakulong lang ako sa kwarto ko. Wala akong ganang lumabas. I even turned off my phone dahil ayoko na makausap si Jaxon. Hindi ko alam paano siya kakausapin.






Natatakot ako na baka gusto niya lang akong makausap dahil gusto niya kong pagsabihan sa nangyari.






Natatakot ako na baka galit siya sakin.






Pero nagulat ako na naririnig ko si Jaxon sa labas ng kwarto ko at kumakatok sa pinto. "Aimi, let's talk."






Anong ginagawa ni Jaxon dito? Hindi ako makapaniwala na pupuntahan pa niya ko. I thought he hates me dahil sa sinabi ko sa girlfriend niya. I am already expecting na hindi na niya ko kakausapin.






"Alam kong nagagalit ka pa rin. Mag-usap tayong dalawa." sabi ni Jaxon.






Nangilid ang luha sa mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano kaya naman binalewala ko ang pakiusap niya.




Hindi ko pinagbigyan si Jaxon na makausap ako. Hindi pa ko handa na kausapin siya.




Kaya naman kinabukasan ay nagpasya ako na maagang gumising. Alam kong susubukan akong kausapin ni Jaxon ngayong umaga dahil hindi ko siya kinausap kahapon kaya naman nag-decide akong maagang pumasok sa university para hindi ako maabutan ni Jaxon sa bahay.




Iniisip ko pa rin ang nangyari noong isang araw. I know Jaxon is confused and torn between me and Ava. Hindi ko gustong makadagdag sa alalahanin ni Jaxon pero hindi ko rin kasi kaya na magkunwari na ayos na ko.




I can be casual sa kanilang dalawa pero hindi ngayon. Masakit pa rin sakin ang mga nangyari.




Gusto kong maging kaibigan si Ava just for the sake of Jaxon pero hindi ko akalain na ganito rin pala si Ava. Mas malala pa siya sa mga naging girlfriend ni Jaxon noon!






Jaxon tried to call me dahil wala na ko sa bahay pero hindi ko siya pinapansin kahit sa text. Kahapon pa siya nagti-text at nagcha-chat sakin. Hindi ko na binasa ang mga text o chat niya. Hindi ko sila gustong kausapin ni Ava.




Alam ko na kakausapin ako ni Jaxon sa lunch kaya naman hindi ako sumabay sa mga Griffin na kumain. Nagtataka pa sila Momo nang sabihin ko sa kanila na si Van ang kasabay ko kumain pero hindi na sila nagtanong.




Ang alam nila ay magkaibigan kami ni Van at okay lang sa kanila na si Van muna ang kasama ko. Alam din nila na hindi pa kami okay ni Jaxon.




One Night Mistake (Griffin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon