Chapter Twenty Eight
Miniature
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu ♥ Bilang pambawi, I'll update again pero maikli lang po ito huhuhu. Please continue to bear with me. I love youuuuuuuu everyone ♥ Thank you for always staying with me. Ingat po palagi and have a good day ahead ♥
Warning: Medyo madrama. So please basahin niyo na lang po later baka malungkot lang kayo bago matulog. Si Owtor kasi nalungkot sa sariling sinulat 😭 Nevertheless, enjoy reading ♥
P.S Why am I falling in love with Van? Who's with me? 😭 Bakit ba laging ang sarap mahalin ng second lead 😭 Baka mainis na ko kay Jaxon at paubaya ko na si Aimi kay Van HAHAHA 😂]
***
I tried so hard to control my emotions dahil sa takot na may makakakita sakin na umiiyak sa oras na tingnan nila ako.
Mabuti na lang at nandito si Van kaya unti-unti akong kumalma. Ilang sandali lang ay narinig ko na sila Momo na napapansin na kami ni Van.
I heard Momo and the girls teasing me and Van dahil nga nakayakap ito sakin.
"Ano iyan, ah? Bakit may yakapan?" tanong ni Momo sakin.
Palihim kong pinunasan ang mga luha ko para hindi makita nila Momo. Inalis ni Van ang pagkakayakap sakin nang maramdaman niya na kumalma na ko.
Nang harapin ko ang mga kaibigan ay hinawakan ni Callie ang kamay ko at hinila ako palayo kay Van.
"Hindi pa kami pumapayag," sabi ni Sky kay Van.
"Ligawan mo muna nang maayos bago ka makalibre ng ganyang yakap," may pagka strict na sabi ni Momo at hinila na nila ko palayo kay Van. Nagulat ako sa sinabi ng mga kaibigan.
Hinabol ko nang tingin si Van. "Sorry," I mouthed at him. He gave me a small nod and smiled at me.
"May yakapan nang nagaganap, ah? Tapos sasabihin wala raw something sa kanila." narinig kong sabi ni Tiffany.
Gusto kong matawa sa mga kaibigan pero dama ko pa rin ang bigat sa puso ko kaya hinayaan ko na lang na hilain nila ko pabalik sa table namin.
"Nililigawan ka na niya, no? O kayo na talaga pero tinatago mo lang?" tanong ni Momo sakin nang naglalakad na kami papunta sa table.
"Magkaibigan lang kami," sabi ko sa kanila. Tinitigan lang nila ko at hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Siguraduhin mo lang, Aimi. Magtatampo talaga kami!" sabi ni Callie sakin. I assured them na hindi kami ni Van at walang ligawan na nagaganap.
Bumalik kami sa table namin. Nakaupo na sila Jaxon at Ava roon. Nandoon na rin si Axel dahil nung natapos ang fireworks display ay tumigil na siya sa pagkanta.
"Nagustuhan niyo ba regalo namin sa inyo?" natatawang sabi ni Kai kay Jaxon at Ava.
Tumawa si Jaxon and extended his fist to his cousins na binangga naman ng mga pinsan gamit ang mga kamao ng mga ito. "Thank you. Hindi ko akalain na may pa fireworks pa kayo," sabi ni Jaxon.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomantikAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...
