Chapter Thirty Two

930 36 3
                                    

Chapter Thirty Two

His Greatest Love








[A/N: Annyeonghaseyo guyseu 😊 Kumusta kayo? Sorry kung hindi niyo po nabuksan iyong update. Na-unpublish ko pala siya 😭😭

Hope you'll enjoy this short update :) Miss ko na ang magsulat ng magsulat huhuhu. Thank you sa walang sawang paghihintay ❤️ Mahal na mahal ko kayooo ❤️]










***

Nasa bahay kami ngayon dahil nagpapatulong si Sky kung paano gumawa ng mga origami dahil "monthsary" na raw nila ni Chrome sa susunod na linggo kaya naman ngayon pa lang ay nagsisimula na siya ng mga pwede niyang pang-surprise kay Chrome. Hindi ko alam kung saan ba nakukuha ni Sky ang confidence niya kahit ilang beses na siyang nasasaktan sa tuwing tini-turn down siya.







She's doing a lot of effort para lang magustuhan siya ni Chrome. She gives him gift sa tuwing monthsary nila kahit hindi naman sila. Siya lang talaga ang gumagawa ng ganito kay Chrome pero si Chrome wala namang ginagawa for her.







At naiinggit ako kay Sky at Callie dahil kaya nilang ipaglaban ang mga taong mahal nila. Hindi ko iyon kaya. Wala akong lakas ng loob na gawin ang mga ginagawa nila.







I have friendship to protect. Kapag ginagawa ko ang ginawa nila Sky, I might lose Jaxon.









"Sana kasing galing mo ko, Aimi sa mga ganitong bagay." sabi niya sakin habang tinuturuan ko siya kung paano gumawa ng origami flower. Gusto raw niyang bigyan si Chrome ng mga origami flowers dahil simbolo ito ng "Everlasting Love" dahil hindi tulad ng fresh flower ay hindi ito nalalanta.







"Madali lang naman ito kapag natutunan mo," sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang origami paper na hawak ni Sky. "Itupi mo muna iyan," at pinakita kung paano tinutupi. Sinundan niya ang ginawa ko.







"Swerte ng magiging boyfriend mo. Napaka-artistic mong tao. Nakakainggit talaga." sabi ni Callie na tumutulong din sa paggawa ng flower. 548 days nila Chrome at Sky ngayon na magkakilala kaya 548 origami flowers ang gustong gawin ni Sky. Noong una ay inaasar namin si Sky na hindi niya magagawa iyon pero mukhang determinado siyang matapos iyon kaya naman nandito kaming mga babae para tulungan si Sky.









"Mas nakakainggit kayo dahil kaya niyong ipaglaban ang mga mahal niyo," sabi ko sa kanila. Bahagya silang huminto at tiningnan ako. "Bakit? May gusto ka na bang ipaglaban?"











Umiling ako. "Wala!"







"Alam mo, babe, one step. Try to make even just one step, malay mo mahal ka rin pala niya nang higit sa iniisip mo." sabi ni Momo at tiningnan ako.







Kita ko na seryoso siyang nakatingin sakin. Bahagya akong nakaramdam ng takot dahil hindi ko alam kung may alam ba siya sa tunay na nararamdaman ko o masyado lang akong defensive ngayon.











Ngumiti ako kay Momo. "I'll do that kapag nahanap ko na siya."









"You did. Takot ka lang." sabi niya. Umawang mga labi ko sa sinabi niya.











Naramdaman kong siniko ako ni Sky sa tagiliran ko. "Si Van ba iyan, ah? Yiee! Sunggaban mo na baka mapunta pa sa iba." panunukso niya na sinundan ng iba kaya naman bahagyang gumaan ang loob ko dahil akala ko ay may alam sila sa nararamdaman ko.









One Night Mistake (Griffin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon