Chapter Thirty Two
I Miss You
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) How are you? Hope you're doing well. Thank youuuuuuu for all the love and support. Didn't know na may 20+ pa rin na naghihintay ng update nito. Thank you! I'll finish it for you, mga bb. Hope we'll able to be together until the end. I love youuuu, everyone <33 ~
Enjoy this update and take care always <3]
***
Naging masaya ang salu-salo namin dahil napuno ng kwentuhan at tawanan ang hapag. Si Kuya Caiden lang ang wala ngayon dahil nasa Paris ito kasama si ate Lucila. Doon nila piniling manirahan at piniling ikasal. Ate Lucila and Kuya Caiden are now happily married and they have the Braiden and Luisa.
We decided to take a look around the place. Nagkayayaan na panoorin ang paglubog ng araw ngayon. Kami kami lang ang aalis since nag-uusap sila Kuya Lucian kaya naiwan sila kasama sila Lolo at Lola.
"This is paradise!" Iyon ang pare-parehas na sinabi namin nang nasa cliff kami at hinihintay ang paglubog ng araw.
"Groupie tayo dali!" Sabi ni Sky at binigay kay Kai ang cellphone niya.
"Bakit ako?" reklamo ni Kai.
"Mas matangkad ka sakin para lahat tayo kuha!" Sabi ni Sky sa pinsan at tinulak sa harapan. Napailing si Kai. "You have your selfie stick."
"Tamad akong kunin. Ang arte mo naman! Bilis na!" Sagot ni Sky. Natawa kami sa kanya lalo na dahil wala nang palag si Kai.
Inakbayan ako ni Jaxon na nasa tabi ko. Napatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sakin at ngumiti.
"Isa pa! Ang bilis mo naman." Reklamo ni Sky kaya naman napatingin ako kay Kai na tapos na kumuha ng picture.
What? Hindi pa ko naka-pose tapos na agad?
"Utusan mo ba ko?" Si Kai.
"Ako na nga! Wag kang sasali sa picture namin ah!" Sabi ni Callie at nilabas ang monopod na dala. Nagtawanan kami sa kanila lalo na nang sumasali si Kai at pilit inaalis ni Callie.
We took a lot of photos hanggang sa magsawa ang mga lalaki kakasali sa groupie.
Sumandal ako sa railings at nilanghap ang hangin saka pinagmasdan ang paligid. Nasa ibaba ang malawak na taniman. Ang mga tanim ay sumasabay sa hampas ng hangin. Napakatahimik ng lugar.
"Ang sarap siguro kung kasama ko si Chrome rito," sabi ni Sky sa nangangarap na paraan.
Natawa kami sa kanya. "Sana sumama man lang si Mekhi," sabi naman ni Tiffany.
"I wanna call Dray!" Si Callie naman. "Matawagan nga si Diana," sabi naman ni Alex.
Nagtawanan kami at tinukso sila dahil sila iyong mga pinapangarap na kasama ngayon.
Naramdaman ko si Jaxon sa likod ko. Niyakap niya ko mula sa likuran ko at ipinatong ang baba sa uluhan ko. "Ikaw? Baka mamaya may namimiss ka rin," tukso niya.
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomansaAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...
