Chapter Nineteen

780 40 5
                                    

Chapter Nineteen

Iniiwasan






[A/N: Annyeonghaseyo guyseu. Sorry for not updating yesterday. I'll update early today at bukas po =) Hope you will enjoy this short update.]










***


Kaya naman pagkabalik namin sa pool ay hindi na ko lumapit kay Jaxon. Nakikipagkwentuhan at biruan lang sa mga Griffin.






Nang umahon na sila Jaxon at humalo na samin ay iniwasan ko talaga na magkalapit kami. Inabala ko ang sarili sa pagce-cellphone. I got chat from Van. I unblocked Justine to turn him down properly at iyon na ang huling naging usapan namin.






I am texting Van nang agawin ni Sky ang atensyon ko. "Ikaw na," sabi niya.






"Huh?" wala sa sariling sabi ko. Jeez! Oo nga pala. Naglalaro kami ng truth or dare.






"Ang busy mo sa cellphone mo." sabi ni Sky at tiningnan kung anong ginagawa ko. "Si Van na naman?"






Tinago ko ang cellphone ko pero nagsimulang manukso ang mga Griffin sakin.





"Nililigawan ka ba ni Van?" tanong ni Gavin.






Natawa ako. "I choose dare," sabi ko para iwasan ang tanong at tuksuhin sila pero mali yatang desisyon iyon dahil mas lalo nila kong tinukso.








Tinatawanan ko naman sila kahit nararamdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.






"Ang daya niyo talaga," sabi ko sa kanila dahil kahit sinagot ko na ang tanong nila na hindi ay hindi rin daw counted iyon.






"Ano? Truth or dare?" tanong ni Sky na tumatawa.






Napailing ako. "Dare," sabi ko.






"Call Van and ask him what's next after I." sabi ni Sky.





Muli nila kong tinukso. "Tama. Tama. Maganda iyan." kantiyaw nila.






"Anong klaseng dare iyan?" natatawang sabi ko. "Baka tulog na iyon."





"Tigilan niyo na nga iyan," seryosong sabi ni Jaxon.






"Ayan ka na naman sa pagiging overprotective mo." sabi ni Gian.






"Wag kang KJ," sabi ni Leo kay Jaxon.






"What?" medyo inis na sabi ni Jaxon. "If one of our cousins call someone----"






"I tried it with Lester." putol ni Momo sa sinasabi ni Jaxon. "He's an acquaintance."






Sumang-ayon ang lahat. Hindi mahilig makipagkaibigan si Momo. Actually she has no male friends pero dahil nagkaroon kami ng dare nun at niloko siya kung kaya niyang tumawag ng lalaking kakilala ay ginawa niya.






"Hayaan mo na si Aimi, babe. Let her decide." sabi ni Ava kay Jaxon na nasa tabi nito.






Napailing si Jaxon. "Bahala kayo," sabi niya.






Part of me want to turn the dare down dahil ayoko naman na magalit si Jaxon o ano. Pero dahil nakita ko na nakatingin si Ava, pakiramdam ko gusto niyang patunayan ko na hindi ko kailangang palaging nakadepende kay Jax.







One Night Mistake (Griffin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon