Chapter Eighteen

1.1K 39 3
                                        

Chapter Eighteen

Comfortable










***

Nagpunta kami sa pinakamalapit na beach resort lang para hindi mahirap bumiyahe. Nauna kaming mga walang pasok o maaga ang uwi at susunod naman ang iba pang pinsan nila Jaxon.






Isang 8 seater na kotse ang dala ng mga Griffin para magkasya kami. Si Kai ang magda-drive at nasa tabi niya si Gavin. Nakaupo naman ako sa tabi ni Jaxon. Nasa gitna namin siya ni Ava.





Kung pwede nga lang ay hindi ako tatabi sa kanya eh. Makulit lang talaga si Momo. Dito pa ko pinaupo pero buti na lang at katabi ko siya. Nagsisiksikan kami para magkasya. Payat naman kaming mga babae kaya okay lang at hindi masikip.





"Finally! Makakahinga rin." sabi ni Momo na ikinatawa namin.






"Uy, Ava. Pagpasensiyahan mo kami kung magiging wild kami mamaya," sabi ni Christian na katabi ni Kai sa harapan. Nasa likuran naman namin sina Callie, Sky at Alex.







"Oo nga. Ito pala first time mong sasama samin. Ngayon pa lang hihingi na kami ng tawad kasi maiingay mga kasama ko." sabi ni Alex.







"Sus. Ikaw nga pinakamaingay samin. Dinaig mo pa ang babae," pang-aasar nila kay Christian.






Tumawa kami. They love to bully Alex pero mahal nila ang bunsong lalaki ng mga Griffin.






"Naku okay lang. Nasabi na sakin ni Jaxon. Saka na-e-excite nga ako eh. Hindi malaki ang pamilya namin tulad ng sa inyo." nakangiting sagot ni Ava.






"Only child ka ba tulad ni Aimi?" tanong ni Callie.







"I have an older brother pero busy na sa negosyo namin. May mga pinsan din naman ako pero hindi nga lang kasing dami nang sa inyo." sagot ni Ava.






"Sana di ka mabigla," sabi ni Sky.







"Hindi naman siguro. Si Aimi nga nagawa kayong pagtiyagaan eh," natatawang sabi ni Jaxon.






Nagtawanan kami. "I remember nung ipakilala ako ni Jaxon sa inyo, parang nagkaroon ako ng dalawang dosenang mga kapatid." sabi ko na ikinatawa nila.






Dahil kapit bahay namin sila Jaxon noon ay sa kanila kami unang naging close. Sabay kami lumaki ni Jaxon kaya naman nang maging close rin ang mga magulang ko sa iba pang Griffin ay doon ko nakilala ang iba pang pinsan ni Jaxon.






Naalala ko pa noon nung unang beses na ipakilala ako ni Jaxon sa kanila. We were just kids. Sobrang kukulit nila noon kaya iyong pagiging tahimik ko, nagbabago sa tuwing kasama ko sila. Hindi nagkakaroon ng katahimikan sa grupo nila.







"Mula sa kwento ni Jaxon, mga bata pa lang ay magkakaibigan na kayo." sabi ni Ava.






"Aimi is already part of our family." sabi ng mga Griffin kaya may humaplos sa puso ko.






"Lalo na sa mama," natatawang sabi ni Gavin na sinang-ayunan ni Alex.






"Mas paborito pa ni mama si Aimi kaysa saming mga anak niya." sabi ni Alex na ikinatawa namin.






"Grabe naman. Hindi naman," natatawang sabi ko sa kanila. Palagi akong binibiro ng mga magkakapatid na ako raw ang paboritong anak ng mama nila kahit hindi naman ako ang tunay na anak. Mas bunso pa nga ang turing sakin ni tita kaysa kay Alex.








One Night Mistake (Griffin Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon