Chapter Sixteen
Best Friend
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu ♥
Sorry po kung hindi nakapag-update yesterday. Nabusy si Owtor. Nag-comeback din kasi Treasure tapos may group content EXO kaya pagpasensiyahan niyo na si Owtor kung inuuna pagfa-fangirl hehehe 😭💗
By the way, thank you for your love and support. Please comment down below sa mga wala pa pong dedication para mailagay ko po :)
Anyways, hope you will enjoy reading ♡]
***
Hindi ko alam kung bakit ba ginagawa ni Jaxon ito. Hindi ko tuloy alam paano sasabihin kay Van.
Napabuntong-hininga na lang ako at nag-text kay Van.
Ako:
Van, okay lang ba na si Jaxon na ang maghahatid sakin papunta sa condo mo? Nalaman kasi niya na pupunta ako bukas sa condo mo. Sorry.
Hindi ko alam kung gising pa si Van. Nakakainis kasi itong si Jaxon!
Nakatanggap ako ng tawag galing kay Van kaya naman sinagot ko.
"Hi. Sorry naistorbo pa kita. Gabi na." sabi ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag.
"Okay lang. Hindi pa naman ako natutulog." sabi niya. "Si Jaxon na raw maghahatid sa iyo?"
Napatango ako kahit hindi naman niya nakikita. "Oo, sana. Tumawag kasi siya at inaya ako na lumabas kami. Sabi ko may gagawin tayo kaya siya na nag-presenta."
"I guess he's being overly protective again." natatawang sabi niya. "Hayaan mo na. I'll just send my address, then."
"Thank you, Van. Pasensiya ka na." hinging paumanhin ko.
"Nah. I understand," sabi niya. "See you bukas, Aimi."
"See you, Van. Good night."
Napabuntong hininga ako matapos ang usapan namin ni Van. He texted me his address. Nagpasalamat na lang ako.
Kinabukasan ay maagang nagpunta si Jaxon sa bahay. Akala tuloy ng mga magulang ko sasama siya o kami ang may lakad.
"Ako na po kasi maghahatid at magsusundo kay Aimi," paliwanag niya sa mga magulang ko. Tumango ang mga magulang ko.
"Oh, siya sige. Mag-text kayo kung sakaling gagabihin kayo." bilin ng mga magulang ko samin ni Jaxon.
"Opo," sagot namin ni Jaxon bago na umalis ang mga magulang ko para pumasok.
"Ang aga mo," sabi ko kay Jaxon nang dalawa na lang kami."Wala akong pasok, Aimi." sabi niya. "Wala naman akong gagawin."
Tumango ako sa sinabi niya. "Nag-almusal ka na?" tanong ko sa kanya nang naglalakad na ko papuntang dining area at nakasunod naman siya.
"Tapos na." sabi niya. "Maaga ako nagising."
Tumango ako sa sinabi niya. "Hinatid mo siya?" tanong ko. Tumango siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/321437386-288-k595052.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomanceAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...