Chapter Twenty Two

1.1K 46 14
                                        

Chapter Twenty Two

Break Up










[A/N: Annyeonghaseyo guyseu. Thank youuuuuuuu po sa walang sawang pagsubaybay. Actually dapat bukas pa itong update pero dahil masyado akong motivated sa mga feedback na nakukuha at dahil alam kong palagi kayong nag-aabang ng update, sinikap kong makapag-update agad. Sana po magustuhan niyo. I am not following any guide kaya kung ano na lang mag-pop up sa isip ni Owtor, bahala na at iyon na ang isusulat niya hehehe.

Regret later kapag may mali HAHAHA.

Anyways. Sana po mag-enjoy kayo. Giving feedback is highly appreciated ♥ Thank youuuuuuuu for hyping this story kahit isa, dalawa, tatlo or usually apat lang ang nagco-comment, malaking bagay na po sakin. Thank you rin po sa mga votes niyo ♥

Enjoyyy po ♥]







***

"Anong nangyari? Nag-aaway ba kayo ni Jaxon?" tanong ni Momo sakin. Nasa bahay sila ngayon dahil nag-aalala raw sila sa nangyari saming sagutan nila Jaxon kanina.








"Hindi kami nag-aaway," sagot ko sa kanila dahil totoo naman. Hindi naman talaga kami nag-aaway ni Jaxon.







"Eh, bakit ganoon ang nangyari kanina?" tanong ni Sky. "Does it have to do with Ava?"







Napailing ako. "Hindi ko lang talaga nagustuhan ang sinabi ni Jaxon kanina. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang sasabihin nila sakin kanina." nagdadamdam na sabi ko.







"Hindi ko rin gusto ang sinabi nung dalawa a while ago," sabi ni Callie. "Ni hindi nga ako makapaniwala na magagawang sabihin ni Ava iyon. At itong si Jaxon sinang-ayunan pa."







"Sa tingin niyo ba, tama sila?" bigla kong naitanong. Knowing that Jaxon has been my friend all my life tapos nagawa niyang sabihin iyon sakin.







"Iyong sinagot mo kanina, iyon ang tama." sabi ni Tiffany sakin. "There's no wrong being close to male friends. Anong halaga ng pagkakaibigan kung kailangan mong iwasan kapag may ibang tao?"






"That's sound so ridiculous!" irap ni Sky na sinang-ayunan ng iba.






Sa bahay tumuloy ang ibang Griffin para ihingi ng tawad si Jaxon. Hindi rin daw nila nagustuhan ang sinabi ni Jaxon. Sinabi ko naman sa kanila na hindi nila kailangang mag-alala dahil hindi naman ako magpapaapekto sa sinabi nung dalawa kanina. I respect their opinion.








Jaxon tried to call me pero hindi ko siya sinagot. Masama pa ang loob ko sa kanila ni Ava kaya hindi ko pipilitin ang sarili ko na makipag-usap kay Jaxon ngayong masama ang loob ko sa kanya.







I even got a text from Jaxon. He's sorry for what happened. Kahit anong sorry ni Jaxon, nasaktan na niya ko.







Hindi siya pupunta ngayon dahil alam kong magkasama sila ni Ava at alam niyang hindi ko siya lalabasin kung sakaling pupunta siya sa bahay.







Kinabukasan ay nagulat ako na nakaabang na si Jaxon sakin. Dapat ganitong oras ay nasa university na siya dahil maaga niyang inihahatid si Ava.







"Aimi..."






Tiningnan ko si Jaxon. "If you want us to talk, Jaxon, huwag ngayon." sabi ko sa kanya. I know he will say sorry and he didn't mean what he said.








One Night Mistake (Griffin Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon