Chapter Seven
Losing
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Thank youuuu for all the votes and comments niyo sa kwentong ito. I feel so motivated to update kaya salamat po <33 Hope you'll stay until the end <33]
***
Usap-usapan ang paghihiwalay ni Jaxon at Stephanie. Sa klase ay panay ang tanong sakin ng mga kaklase ko kung bakit naghiwalay ang dalawa.
"Alam ko may nakapagsabi na kinompronta ka raw ni Stephanie. May nagsasabi na baka kaya dahil doon ay nagalit si Jaxon." sabi ng isa sa mga kaklase ko.
"Alam mo ba kung bakit sila naghiwalay, Aim?" tanong sakin ni Sally.
Umiling lang ako sa kanila at hindi na nagkomento pa. Alam kong maraming nag-iisip na malaki ang papel ko kung bakit naghiwalay iyong dalawa. Kahit hindi sabihin sakin ni Jaxon, alam ko na iniisip na naman niya ko. Alam ko na nagseselos si Stephanie kaya palaging nagde-demand.
"This is all your fault!" galit na sabi sakin ni Stephanie nang magkita kami sa cafe sa loob ng University. Wala na kong klase at hihintayin na lang na matapos ang klase ni Jaxon para pupuntahan ko siya.
"Stephanie..."
Naramdaman ko ang hapdi sa pisngi ko nang sampalin niya ko. What the hell?
Galit na hinarap ko siya. "Anong problema mo?"
"Dahil sa iyo kung bakit nakipaghiwalay si Jaxon sakin!"
Umiling ako sa sinabi niya. "Alam mo kung bakit ka hiniwalayan ni Jaxon? You are immature!" galit na sabi ko sa kanya.
"Masyado kang mapapel!" galit na sabi niya at sinubukan ako ulit sampalin pero nahawakan ko ang kamay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/321437386-288-k595052.jpg)
BINABASA MO ANG
One Night Mistake (Griffin Series #2)
RomanceAimi Hayashi and Jaxon Darran Griffin are best friend for life. They even have this inside joke na kung hindi sila makakahanap ng mapapangasawa nila when they turned 30, magpapakasal sila. But things happened at nagkaroon ng girlfriend si Jaxon. Aim...